Entry #7: Elisa San Miguel's Property

209 3 8
                                    

ELISA SAN MIGUEL'S PROPERTY


Natakot ako bigla philip yung dugo ang dami gusto ko lang naman nandito kayo eh sila mama papa ikaw natatakot ako

June 10, 2017

Pinapatay ako ng pagiging buhay Philip. Ikaw lang ang ligaya ko alam mo yan haha. Kailangan kita ngayon oh. Please.

June 1, 2017

Sinubukan ko naman eh. Kaso hindi talaga kaya. Ang tahimik sa bahay pero ang ingay ng isip ko mahal samahan mo naman ako oh.

May 28, 2017

Mahal/asawa/pakner/brodix ko, suko na ko. Hindi ko alam pero masyado na kong napapagod kakahintay sayo Philip. Napakagulo na ng buhay ko ngayon. Kailangan kita, pero para na kasi akong tanga kakaasang one day eh dadating ka para puntahan ako at aluhin man lang kasi napakalayo ng distansya nating dalawa. I love you po sobra sobra sobra. Ikaw na lang yung nagiisang dahilan kung bakit umabot pa ako ng debut ko hehehe. Basta wala kang kasalanan Philip. Masyado lang akong umasa na one day eh makakaagapay na kita at malapit na yun. Two years na pero wala ka pa rin dito. Padilim na ng padilim mundo ko dito. Naghiwalay na ng tuluyan sila mama at papa. Hindi na rin daw ako mapapagaral ni mama. Buong buhay ko nilaan ko para magaral at maging matalinong studyante kasi akala ko yun lang way para matuwa sila sakin eh. Tapos wala na yun ngayon. Wala na din ata dahilan para magstay ako dito. Maiintindihan mo naman di ba. Pakner kita eh. Mahal na mahal kita.

May 20, 2017

Philip! Dean's lister daw ako! Grabe sobrang saya ko kasi alam ko magkaaway sila mama at papa ngayon kaya may chance na magpansinan sila ngayon kasi diba matutuwa sila sakin. Ang saya saya ko! Habang naglalakad ata ako kanina nung umuwi may paskip skip pa ko hahaha. Excited na kong ipaalam sa kanila yung achievement ko hubby hehehe. Salamat din kasi ikaw dahilan bakit naoovercome ko yung stress. Sigurado ngiting ngiti ka dyan no haha. Excited na ako magcollege saka graduate para makapagipon na ko tapos magkasama na tayo! Labyu!

April 18, 2017

Hindi ko alam kung bat nanghihina ako Philip. Kakabangon ko lang ng tanghali para kumain tapos inaantok agad ako saka nanghihina. Ang init init pa! Siguro dahil wala din ako nagagawa sa bahay dahil bakasyon ngayon hahaha. Okay lang. One day eh hindi naman na ko magisa tuwing bakasyon kasi dito ka na hehehe. I love you

April 1, 2017

Break na tayo Philip ayoko na pala sa LDR nakakapagod lang. Ayoko na. Magtutwo years na tayo pero wala ka man lang plano bisitahin ako okay lang naman kahit magkita tayo half way eh pero ayaw mo pa rin. Gusto ko yung lalaking mapapagmalaki ko sa kanila at nakikita nila nakakapagod na kasi iexplain na mabait ka at mapapagkatiwalaan basta sabihin kong sa internet lang kita nakilala.

Happy April Fool's Day hehehe. Joke lang yun. Haha ikaw pa aylabyu kaya

March 10, 2017

Pasensya na busy ako ngayong araw Philip. Alam mo namang finals na. I'm sure naiintindihan mo yun pero alam ko kasing nagtatampo ka rin deep inside. Hayaan mo. Good mood ata sila mama ngayon. Hehehe di nila mapapansim kahit whole day ako sa kwarto ko just to talk to you hehe i miss you!

February 14, 2017

Happy Valentine's Day, love! Hehehe. Di man natin masecelebrate to nang magkasama, may surprise ako sayo! Alam ko namang ikaw lang nagagandahan sa boses ko kaya nagcover ako ng song for you. Yung theme song natin. Ikaw talaga inaalala ko noon pa man kada maririnig ko tong When I'm With You. I love you Philip!

December 16, 2016

Hi Philip. Salamat kasi nandyan ka lagi kapag nagaaway sila mama ko saka si papa. Ngayong birthday ko gusto ko lang sana eh magkasama tayo tapos makausap ka hehe. Gusto na kitang makasama.

September 10, 2016

Philip, ngayong araw may nakaaway yung kaibigan ko. Alam ko, alam ko namang dapat maging mapagpasensya parin ako kasi nasa school ako para magaral pero kasi nagkadamayan na saka pinagtulungan na nila kaibigan ko. Ayun po hehhe. Sorry ngayon lang nakapagmessage hehehe

Saka! Happy birthday mahal! Kala mo makakalimutan ko no hehehe actually muntik na pero napadaan kasi ako sa front page nitong notebook kaya ayun hehehe i love youuuuu!!!

May 22, 2016

Nakakatamad sa bahay. Haynakooooooo ikaw ba tinatamad Philip? Bakasyon mo na rin by now no. Gusto ko magswimming haynakooo

January 1, 2016

Happy new year Philip! Hahahaha mukha kong tanga, tbh. Enjoy kayo ng family mo kung san man ikaw hahaha kami kasi ganito na taon taon. Walang handa pero okay lang naman kasi kailangan ko rin ibili ng gamit yung napamaskuhan ko. Hahaha namamasko pa ko, nakakatawa pero syempre gipit tayo no haha

September 10, 2015

Uy tol Philip birthday mo ngayon HAHAHAHA shet bat nga ba september 10 hahaha ay birthday nga pala yun ng crush ko! Ayun enjoy your day xD wag mo ko gayahin emo daw sabi nila pinsan. Bye!

June 10, 2015

Hi Philip. Sana totoo ka nalang. Mukha akong tanga I know kasi ba naman sino pa ba kakausapin ko dito diba. Sana lang talaga walang makabasa nitong notebook ko hahahahaha

May 28, 2015

Philip San Jose

Age: 20

Height: 5'8"

Birthday: September 10

- - -

Property of Elisa San Miguel. Privacy pls!

VOLUME 1: TEENAGE DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon