Entry #4: Mamatay Ka Na Sana

345 5 6
                                    

MAMATAY KA NA SANA


Mamatay ka na sana. Iyan palagi ang sinasabi mo sa akin noon tuwing mapapagalitan ka. Paano ba naman kasi, sa murang edad na anim ay kung ano-anong kabalbalan na ang nalalaman mo. Nariyang nangungupit ka sa ating tindahan mabili lang ang hilig mong paper doll. Madalas, palihim mo pang kinakain ang mga paninda nating tinapay at iba pa. Ayos lang naman iyon. Walang kaso. Ang hindi lang tama ay pinapalabas mong ako ang may gawa kahit na ang totoo'y ikaw naman talaga.

Grade four tayo. Tandang-tanda ko pa kung paano mo unti-unting kinalbo ang manika mong si Barbie habang titig na titig ka sa akin. Nang araw ding iyon, muli kong narinig mula sa iyong mga bibig ang katagang, mamatay ka na sana. Kasi naman, nang mismong araw ding iyon ay nahuli kitang kinukupitan ang maliit na bag ng Sto. Niño natin. Agad kitang isinumbong kay Mama na siyang labis na ikinainis mo.

Graduation day. 1st honor ka samantalang most friendly lang ang award ko. Pareho tayong niregaluhan ni Mama at Papa ng pares na hikaw at kwintas. Tanda ko pa kung paano mo ako minaliit at pinahiya sa lahat. 'Yung pang-aalipusta mo. 'Yung bawat kataga na binitiwan mo. Masyado ko iyong dinamdam.

"Hindi kasi nag-aaral nang mabuti, e. Pangit na nga, loser pa."

Oo na. Aminado naman ako sa sarili ko na ikaw ang "mas" sa lahat ng bagay. Sa lahat ng aspeto. Ikaw ang angat. Maganda, matalino, magaling kumanta at sumayaw. Ikaw nga ang paborito ng lahat. Ikaw iyon. Ikaw palagi ang bida. Masyado mo kasing ginalingan. Kaya ang resulta? May nanalo na. Ikaw. Ang perpekto mo kasi. Sa sobrang perpekto mo, minsan ko na ring hiniling na sana... hindi na lang tayo naging related- magkapatid. Nakakababa masyado ang pagiging kapatid mo. Masyado ka kasing mataas. Sa sobrang tayog mo, hirap na akong tingalain ka. Nakakapagod. Nakakangawit.

1st year high school. Pareho pa rin tayo ng eskwelahan na pinapasukan. Ang pinagkaiba lang, sa pinakaunang section ka samantalang ako... ikalawa sa huli. Hindi ako masyadong nalungkot, bagkus ay nakaramdam ako ng tuwa- galak. Dahil sa wakas ay makakahiwalay na ako sa iyo at sa pagiging anino lang.

Pero nagkamali ako.

Pangit. Halimaw. Ngongo. Mangkukulam. Bruha at kung ano-ano pang masasakit na salita ang mga natanggap ko mula sa mga mapanghusgang tao nang malaman nilang magkapatid tayo. Paano raw nangyaring iyon? Na kakambal kita gayong ang layo nang hitsura natin sa isa't isa. Ikaw raw ay maganda. Mukhang prinsesa at samantalang ako? Nganga. Lahat ng papuri ay sa iyo. Samantalang kapintasan naman lahat ang sinalo ko.

Tanda ko pa nang minsang sabay tayong pumasok sa eskwela. Masaya tayong nag-uusap noon. Para na nga tayong magbespren sa sobrang closeness natin kung hindi lang umentrada ang mga kaibigan mo. Pansin ko ang biglaang pagbabago ng ekspresyon ng iyong mukha. Para bang diring-diri ka na magkasama tayo. Mabilis mo nga akong itinulak palayo na naging dahilan upang matumba ako. Halip na tulungan at humingi ng tawad ay tiningnan mo lang ako mula sa malayo at dali-daling lumakad palayo kasama ang mga kaibigan mo.

JS Prom. Wala naman talaga akong balak pumunta. Ikaw lang talaga itong mapilit na kesyo hindi ka pupunta hanggat hindi ako kasama. Ito namang si Mama at Papa, ikaw itong kinampihan. Malamang. Ikaw ang paborito, e. Kung kaya't wala akong nagawa kundi ang samahan ka. Na sana ay hindi ko na lang ginawa.

Lutang ang angkin mong kagandahan nang gabing iyon sa suot mo na pulang gown. Halos lahat yata ng kalalakihan ay nakuha mo ang atensyon. Kinoronahan ka pa ngang queen of the night. Tuwang-tuwa ka, habang ako nasa isang sulok, nakasiksik, nakatago at nilalamok. Hinihintay na matapos na agad ang gabi. Na sana'y hindi ko na lang hiniling.

Pasado alas dose nang lumapit ka sa akin. May kasama kang lalaki. Aaminin ko, cute siya. Bagay kayo.

"John nga pala."

VOLUME 1: TEENAGE DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon