3 - Saved (part 1)

214 2 0
                                    

3 - Saved (part 1)

I woke up with a hurting neck. Hindi yata napabuti ang position ng pagtulog ko. Iminulat ko ang mga mata ko at kinusot ito. Naramdaman ko na may kumot na nakapatong sa likod ko.

Baka si Zero ang naglagay nito? Kyaaaa! Sabi ko na nga ba't mabait siya! At saka baka nahuhulog na siya sa'kin! Oh gosh! Naggigimme na ang mga organs ko! Kakakilig!

Nang tumingin ako sa likod ko ay wala na si Zero sa kama niya. Napatayo naman agad ako. Nakita kong may isang papel na nasa kama. Kinuha ko ito at binasa:

Niui,

'Wag ka nang pupunta sa mga klase ko para pagmasdan lang ako kasi namamalas ako. Tignan mo kung anong ginawa mo sa'kin. Just leave me alone, okay?

P.S.

Laway mo tumutulo. Nakakadiri ka.

P.P.S.

Thanks.

What the?! Laway?! Tumingin ako sa salamin at nakita ang laway na nagfreeze na. Naging white na siya!

"WAAAAAH! NAKAKAHIYA!" sigaw ko habang ginugulo ang buhok ko. I even hit myself. Nakakahiya ka, Niui!

But then napalitan agad ito ng kilig nang maalala ko yung letter niya. Tumili naman ako habang yinayakap ang letter niya at tumatalun-talon pa.

"I AM THE HAPPIEST WOMAN ALIVE!"

"Shhhh! Ang ingay mo! Umalis ka na dali! Alis!" pagtataboy sa'kin ni manang nurse.

"Opo. Opo. Aalis na po. Teka lang." sabi ko habang kinukuha ang bag ko.

"Faster! The school's about to close!" sabi niya sabay tulak sa'kin palabas ng clinic.

And I saw that it was already at dusk. Hanlaaa! What happened to my one minute nap?!

I stomped my feet on the ground. Why didn't anyone bothered waking up?! At si Lyn! Waaa! Langya talaga ang babaeng yun!

"Excuse me, why didn't you bother waking me up earlier?" I asked the nurse.

"Hindi ko naman alam na nandiyan ka, e. Tinanong ko yung lalake kanina kung may tao pa ba dun pero ang sabi lang niya wala na daw. Buti na nga lang nagingay ka kung hindi, malolock ka dito sa clinic." sagot niya. I'm sure that it was Zero she was referring to.

"Ahh. Hehe! Sige po, salamat!" nakangiting sabi ko nalang at nang tumalikod na ako ay sumimangot agad ako.

Waaaaa! Ba't mo 'to ginawa sa'kin, my labs? Huhuhu! Kahit anong kasamaan pa ang gawin niya sa'kin, mahal ko pa rin siya!

Kinuha ko ang cellphone ko at nanlumo ako ng makita kong empty batt na. Huhuhu! Mahihirapan na akong makasakay nito. Hindi naman kasi ako sanay na umuuwi ng gabi. Siguradong naghahanap na sila Mommy sa'kin.

Waaaa! Sa'n ba ako pupunta? Makisabay na lang kaya ako kay manang nurse? Sige, sige!

Bumalik ako sa Clinic kaso nakalock na, e. Nakauwi na ata si manang nurse. Waaaa! Magisa akong uuwi ngayon! Malayu-layo pa naman ang lalakarin ko sa sakayan ng mga taxi!

Ah basta! Lalakarin ko nalang 'to! It wouldn't be that bad, would it?

Lyn's POV

"Tamang timpla! Sa litro haluin--" napatigil ako sa pagreresearch nang magring ang telephone namin.

"Ken! Answer the damn phone!" sigaw ko.

"No way! I'm still studying!"

"Naknangtinapa naman, o!" tumakbo ako pababa para sagutin ang telepono. "Hello?"

A Fool For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon