1 - An Angel
"Hoy, Niui! Para kang baliw diyan! Tumigil ka na nga sa kakanasa kay Zero!" bulyaw ng aking KJ na best friend na si Lyn.
"Hindi ito pagnanasa, Lyn! Ang tawag dito, LOVE!" sabi ko tapos umiikot-ikot habang hawak ang picture ni Zero.
Tumigil ako sa pagiikot at tinignan ng maigi ang picture ni Zero. "Balang araw magiging akin ka! Fuahahaha!"
Biglang may tumama sa likod ko ng isang matigas na bagay. Liningon ko si Lyn na tumatawa-tawa lang. Huhuhuhu!
"Ba't mo ko binato ng bola?" tanong ko na parang naiiyak.
"Pfft-- nababaliw ka na kasi, e! Hahahaha!"
"Waaaaa! Ang sakit kaya! Kung batuhin kita ng bola sa ulo mo? Anong say mo?"
"Tss. I'm just a concerned citizen here. Nagaalala lang ako sa'yo. Baka mamaya iiyak ka ng dahil sa Zero na yun. Alam naman natin na ayaw niya sa'yo. Bakit ba lagi kang habol ng habol sa kanya? Ayaw nga niya sa'yo, e. AYAW."
"Aray naman. Kailangan talagang ipamukha sa'kin na ayaw niya sa'kin. Na naririndihan siya sa'kin? Eeeee, naman! Wala akong pakialam. Isa pa, crush ko lang naman siya kaya chillax ka lang!" sagot ko. Huehue! Okay lang naman talaga sa'kin kung pinagtatabuyan niya ako, ang ibig sabihin lang niyan, napapansin niya ako. Haay!
"Ang tanga mo. Tanga!"
"Yeah! Tanga para kay Zero my labs! Hihihihi!" sabi ko. Napahawak nalang siya sa sentido niya at saka umiiling-iling.
"Sira-ulo ka talaga. Nakakaawa ka. Ang tanga mo. Kapag umiyak ka ng dahil sa Zero na yun, wag kang magexpect na icocomfort kita. Ang masasabi ko lang sa'yo, 'I told you so' okay?"
"Kung makapagsalita naman 'to parang hindi nainlababo. Bitter!" sabi ko. Wala akong pakialam kong anong sasabihin nila sa'kin. I'm just a girl, waiting to be loved back by a boy. Ay choss drama ko!
"Kaya nga nagbibigay ako ng advice sa'yo! Dahil ikaw lang din naman ang kawawa sa huli. Ayokong maramdaman mo ang sakit na naranasan ko nang dahil kay Kyle. Kaya please, itigil mo na ang kakanasa sa lalakeng yun." her voice was full of concern and her face said it all.
"Don't worry, Lyn! Wala lang talaga akong pakialam sa sasabihin nila o ni Zero! Hehe!" sabi ko nalang. Well, yan naman kasi ang totoo, e. Masama bang magmahal? Hindi diba?
"Binalaan na kita, okay? Tara na nga, baka malate pa tayo." sabi niya at bigla akong may naalala.
"Tara dali! Malelate talaga tayo at ang masaklap pa baka hindi ko makita si Zero my labs!" bulyaw ko saka dali-daling lumabas ng bahay.
~
Nakatambay kami ngayon malapit sa room ni Zero. Hindi kami nun magkaklase, e. Pero buti nalang pareho kaming 4th years kasi kahit papa'no magclassmate kami sa TLE class namin. Huehue ~
"Wag mo na akong idamay sa kalokohan mo, Niui. Aalis na ako baka madamay ako sa kahihiyan mo, okay? Bilisan mo na diyan. 10 minutes nalang magklaklase na." sabi niya saka umalis.
Tinignan ko ang orasan ko. Ba't hindi pa siya dumadating? Pag nag7:00 na kasi, andiyan lang siya sa labas ng room nila, nakaupo pero 7:20 na at wala pa siya. Asan na kaya yun?
Kung nagtataka kayo kung anong ginagawa ko dito at hinihintay siya yun ay dahil kukunan ko siya ng stolen shots. Hihihi! Pero parang imposible atang makukunan ko pa siya ng litrato kasi hindi pa siya dumadating.
"Asan na ba siya?" I murmured. Nakita ko si Ashe, kaklase ni Zero, na nakaupo lang sa stairs kaya linapitan ko siya.
"Uhmmm... Excuse me?" sabi ko. Inangat naman niya ang tingin niya at ngumiti. Tinanggal niya yung headphones niya.
BINABASA MO ANG
A Fool For Him
RomanceSi Niui Drey ay isang babaeng TANGA. As in TANGA. Bakit? Habol nang habol lang naman siya sa lalakeng obvious naman na hindi siya gusto. Kahit pinagtatabuyan na siya at kahit puro masasasakit na mga salita na ang sinasabi sa kanya ay gusto pa rin ni...