4 - Saved (part 2)
"You heard what she said, right? Let. Her. Go." he said coldly. Linuwagan naman ng mga adik ang hawak sa'kin.
"Sorry, bossing. Hindi namin alam na--" hindi na natapos ni Adik ang sasabihin niya nang sinuntok siya ni Zero.
"Don't lay your filthy fingers on her again." binigyan niya ito ng nakamamatay na tingin bago ako hilain patayo at saka yinakap.
*lub dub lub dub
"Waaaa! Zero ~ *hick* Am I in Dreamland?" tanong ko. Haay. Here's my heartbeat again.
"Sakit ka talaga sa ulo. Alam mo ba yun?" he said as he kissed my forehead. Oh gosh! My eyes widened at that.
Halos lumabas na ang puso ko nang dahil sa bilis ng tibok nito. We just looked into each others eyes and I could see the worry in it. My tummy suddenly turned upside down when I realized that he cared.
"Waaaaah! Zero ~ Mahal na mahal kita! Higit pa sa iniisip mooo ~" kinantahan ko pa siya para malaman niyang mahal ko talaga siya.
"Wag ka ngang kiligin diyan. I just did this to mark you. To show them that you're not to be messed with." he said with so much concern.
Pero kyaaaaa! Kinikilig ako! "Hindi mo mapipigilan ang kilig ko kasi ikaw na 'to, e. Buti kung ibang lalake yan magagawa ko pang patayin ang kilig ko." nakangiting sabi ko.
Pinitik naman niya ang noo ko. "Amoy alak ka! Ano bang pinaggagagawa mo?!"
I smiled sheepishly. "He-he! Ano kasi Zero--"
Humiwalay siya sa pagkayakap namin at sinugod si Adik. Kuwinelyuhan niya ito.
"Ikaw ba ang may kagagawan niyan?! Ha?!" galit na galit na sabi niya. Grabe naman 'to kung magalit. Nakakatakot pero okay lang! Mahal ko naman siya!
"Hindi po, bossing! Lasing na siya nang matagpuan namin!" sagot niya.
"Oo, bossing! Inutusan nga kami ni Mang Juan na patahimikin daw siya kasi maingay." sabi naman ni adik # 2.
Napalingon naman si Zero sa kanya na nanlilisik ang mga mata. "So balak niyo pala siyang patayin?!" he boomed.
Hanlaa! Patayin ako? Oh my gulay! Buti nalang dumating kaagad ang labs ko. Huhuhu! Kung hindi... Waaaa ~ Isa na akong ligaw na kaluluwa ngayon at hindi matahimik dahil hindi kami nagkatuluyan ni Zero. Huhubells!
"Ganun na nga!" sabi ni adik # 3.
"Tangina niyo! Umalis na kayo kung ayaw niyong ako ang pumatay sa inyo!" sigaw ni Zero sabay hagis sa adik na hawak niya. Kumaripas naman sila ng takbo katapos nun.
Oh yeah! Nahihilo na naman ako at ramdam ko na susuka na ulit ako. Tumungo ako sa gilid ng kalsada at nagsususuka.
Naramdaman ko nalang na may humahagod sa likod ko at hinawi ang mga buhok ko na nasa mukha ko. Inangat ko naman ang ulo ko at nakita si Zero na nakakunot ang noo.
"Kadiri ka talaga. Bilisan mo na diyan. Gabing-gabi na marami pa akong aasikasuhin mamaya." he said calmly.
"He-he! Sorry naman! Ito naman ang arte! Parang hindi sumusuka!" sabi ko saka hinampas ng mahina ang braso niya. Ooo. Biceps. Ang hot talaga!
"Tss. Tara na. You wasted a lot of my time." sabi niya saka ako hinatak papunta sa kotse niya. Hindi ako makalakad ng mabuti kasi umiikot ang paningin ko.
"Teka, Zero my labs." sabi ko. Huminto naman siya sa kakahatak sa'kin.
"Oh, ano?" naiiritang sabi niya.
BINABASA MO ANG
A Fool For Him
RomanceSi Niui Drey ay isang babaeng TANGA. As in TANGA. Bakit? Habol nang habol lang naman siya sa lalakeng obvious naman na hindi siya gusto. Kahit pinagtatabuyan na siya at kahit puro masasasakit na mga salita na ang sinasabi sa kanya ay gusto pa rin ni...