27 - I'll give him some space

82 3 0
                                    

"Zero my labs! Gusto ko ng magtransfer sa class E!" mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya.

Di ko na talaga kaya dito! 1 month palang akong nai-transfer sa class A at parang ililibing ko na ang utak ko!

Binigyan lang niya ako ng mahinang tawa. Yung tawang napilitan lang. Liningon ko naman siya at nakitang ang busy-busy niya.

Agad naman akong na-guilty. Kanina ko pa siya naiistorbo, e.

"Um. Labas lang muna 'ko, ha?" naglakad ako palabas pero napahinto nang tawagin niya ako. Liningon ko siya at nakitang ginulo niya ang buhok niya. Seryoso yung mukha niya at parang ang haggard na niya.

"I'm sorry." he said. Nginitian ko lang siya at saka lumabas na.

Okay lang naman sa'kin yun, e. I totally understand him. I just need to keep my distance para hindi ko na siya maistorbo. Pakiramdam ko kasi pabigat ako sa kanya.

"Oy, Niws!"

"Sup, Nips!"

Nginitian ko sila Kairyl at Laynard na naglalakad papunta sa'kin. "Oy. Sa'n kayo galing?" tanong ko.

"Diyan lang sa tabi-tabi..." sagot ni Kairyl.

"Naghahanap ng mga babae." patuloy ni Laynard.

"Tae niyo! Kahit kailan talaga ang lalandi niyo!" natatawang sabi ko.

Sasama lang muna ako sa kanila. Tutal hindi naman sila busy.

"Oy, Nips! Si Laynard lang ang chick boy, hindi ako. Good boy ako!" he raised his right hand. "Promise!"

Hindi ko talaga alam kung bakit niya ako bininyagan na Nips. Hindi naman ako pagkain. Pero in fairness, ang sarap ng nickname ko. Nips!

Laynard made a face in disbelief. Pati na din ako. Nakatinginan muna kaming dalawa bago ibinalik ang tingin kay Kairyl na trying hard maging inosente.

"Ahh. Kaya pala ipinagmamalaki mo na madami ka ng nahalikang babae." sabi ko.

"Na puro torrid." sabi ni Laynard.

"Na hindi mo na mabilang kung ilang babae na ang nai-date mo."

"Na hindi mo man lang naaalala yung mga nai-dedate mo."

"Na maraming mga babae ang sumusugod sa'yo para patayin ka dahil linoko mo—"

"Oo na oo na! Kayo na! You got me! Pero nasa past na yun. I'm a changed man." Kairyl said, punching his chest.

"Pre, ayun chicks o!" biglang sigaw ni Laynard.

Agad namang lumingon si Kairyl sa likod at sinabing, "Asan? Asan?!"

Natawa nalang kami ni Laynard. "Tangina, dude. May 'I'm a changed man' ka pang nalalaman!" sabi ni Laynard.

"He may have changed, but only in a short period of time!" I said.

"Ang gago niyo." sabi ni Kairyl na umiiling pa.

"Mas gago ka, dude!" natatawang sabi ni Laynard.

"I know right?" sabi ko.

Napabuntong hininga nalang si Kairyl. "Ge. Alis nalang ako. Bwisit kayo, e."

Nabigla naman ako sa sinabi niya. Where did the joker Kairyl go? Ang seryoso naman niya ngayon.

"Oy, Kai. Joke lang." sabi ko.

"Loko-loko talaga 'to. Ba't ang seryoso mo?" tanong naman ni Laynard.

Kairyl's face was so serious. An expression I've had never seen before. He was always the happy-go-lucky guy. Nakakapagpanibago 'to.

Pero bigla nalang siya tumawa, clutching on his stomach. Laughing like there was no tomorrow.

A Fool For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon