2 - Won't Giving Up

238 3 0
                                    

2 - Won't Giving Up

"Huhubells! Sira na DSLR ko!" sabi ko habang naglalakad papunta sa room namin.

Waaaa! Paniguradong magagalit sina Mommy 'pag nalaman nila 'to. But I will defend Zero! Sasabihin ko nalang na sariling katangahan 'to kung bakita nasira. Tama, tama!

"Oy, anyare sa'yo and-- oh my gosh! What happened to your DSLR?" gulat na saad ni Lyn nang makarating na ako sa room namin. Langya hindi man lang tinanong kung bakit namumula pisngi ko.

"Nagswimming siya sa lupa kasi akala niya tubig, e. Ang tanga lang kasi." sagot ko naman.

I also have to keep this a secret to Lyn kasi paniguradong parang armalite 'tong bunganga niya 'pag nalaman niya ang totoo.

"Ang tanga naman kasi ng camera mo, e. Nagmana sa mayari. Tsk, tsk!"

Tinignan ko lang siya ng masama. "You shut your mouth before I kick your ass."

"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?! Away ba ang gusto mo?!"

"Oy joke lang! 'To naman seryoso! Alam naman nating dalawa na ikaw ang mananalo. He-he!" sabi ko sabay peace sign.

"Good. Buti alam mo. Baka ikaw yung maging pinakaunang taong makatapak sa Pluto mamaya, e."

"Sus! Ganun ba talaga kalakas suntok mo? E, hindi mo nga kayang matulak ang isang bookshelf sa library, e!" I retorted.

"Haay. Tumahimik ka na nga lang. Oh, ano na ang gagawin mo na ngayo'y sira na ang DSLR mo na punung-puno ng picture ni Zero?" tanong niya.

"Utak please gamitin. May memory card 'to. Hehehe! Bibili nalang ako ng bago." sabi ko.

"Ay! Ano ba yan! Nakalimutan kong may memory card pala. Sorry!"

"Now I know kung bakit andito tayo sa class E." sabi ko sabay iling. Ang class E dito sa'min ay ang second to the last from the last section.

"Yeah and I'm proud of it!" sagot naman ni Lyn.

"Haay. Gusto kong mapunta sa class A para maging kaklase ko si Zero kaso parang imposible, e. Madugo ang mga exams. Hindi ko keri!"

Humagalpak naman ng tawa si Lyn. Yung parang nangaasar na tawa. "Ikaw? Class A? Pfft-- Himala!"

"Oo na. Oo na. Ikaw na ang matalino! Kaya pala nandito ka sa class E." pamimilosopo ko pa.

"Andito na si prof. Tumahimik ka na." sabi ni Lyn. Kaya ayun nakatunganga nalang ako sa labas ng bintana at nagisip-isip tulad ng...

Sa'n ako hahanap ng pambili ng DSLR? Kasi pag walang DSLR, walang picture ni Zero.

Ano ang next move ko kay Zero? Para naman mapansin niya ako lalo at baka naman isang araw matauhan siya at main love siya sa'kin.

I smiled at that thought. I really can't wait for that to happen. I won't give up on him!

~

Matapos ang klase namin, hinila ko si Lyn papunta sa auditorium kasi nandun si Zero. P.E nila ngayon. Hihihi! Pa'no ko nalaman? Well, I just sneaked in the Principal's office and took the class A's schedule. I am a genius!

"Niui, ano ba'ng gagawin natin dito? Wala ka ng camera diba?" tanong ni Lyn.

"May cellphone kaya ako dito. Utak again, please gamitin." nakangiting sabi ko. Haay. Ganito na ba kabobo ang best friend ko? Nakakabobo na, e. Puro away ang laman ng utak niyan, e. War freak siya, promise.

Nakaupo lang kami sa bleachers. Maglalaro lang naman sila ng basketball. Hinanap ko si Zero at aha! Nakita ko na siya! Nakatalikod siya, kilalang-kilala ko na si Zero kahit mapaside view o nakatalikod, at mukhang ineexplain niya ang strategy na gagawin nila.

A Fool For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon