22 - Friends?

107 2 0
                                    

Sorry. Sa next chapter pa ang mga mangyayari kina Niui & Zero.

Peace be with you. =_=v

22 - Friends?

Jaime Montenegro

Frustrated, I ran my hand through my hair and kicked the couch near me.

"Si! Come here this instant!" I yelled.

Agad namang nagpakita sa'kin ang butler ko na si Simon. He bowed his head a bit and then looked at me with a blank face.

"Anong ibig sabihin nito?!" kinuha ko ang brown envelope na nakalapag sa mesa at itinapon 'yon sa kanya.

If you have a problem with my attitude then blame it on the guy who tried to kill Niui.

"Master, ginawa ko na ang lahat ng mga inutos mo. Nakilala na namin kung sino ang lalakeng 'yon pero nakatakas siya." he said sternly.

"Binabayaran ko kayo para hulihin siya! Hindi para patakasin siya!"

"Master, you should sit down and calm yourself. Hindi makabubuti sa kalusugan mo 'pag pinagod mo ang sarili mo."

Wala akong oras para magpahinga o kumalma man lang. Lahat gagawin ko para lang mahuli ang lalakeng 'yon. Magbabayad siya sa ginawa niya kay Niui.

"Go and find that asshole." I said through gritted teeth.

"Masusunod, Master." umalis naman kaagad si Simon.

Napahawak nalang ako sa sentido ko. Hindi ko mapapatawad ang lalakeng 'yon sa ginawa niya kay Niui.

Halos mabaliw ako nun nang makita ko siya na nakahiga sa isang hospital bed na walang malay. Na nacomatose siya.

If only I didn't let her come on that day then she wouldn't be experiencing death. God knows how guilty and sorry I was. I was willing to do everything just to make Niui okay.

Kaya nang malaman kong nagising na siya at naging okay na, parang nabunutan na din ako ng tinik sa dibdib ko. Parang nakahinga na din ako.

Hindi ko alam kung ano ang mayroon kay Niui but there's something in her that makes me wanna protect her. Napangiti nalang ako ng wala sa oras.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

Napaangat ako ng tingin at nakita si Novey na bumaba sa hagdan. Halatang kagigising lang niya dahil sa magulo niyang buhok at saka sa suot niyang pajamas.

"Iniisip ko kung iuupload ko ba yung picture mo habang natutulog ka na may tumutulong laway." pagbibiro ko. Wala talaga akong picture sa kanya, sadyang pinipikon ko lang siya.

Nanlaki naman yung mga mata niya at saka tumakbo papalapit sa'kin kaya napatayo ako at lumayo sa kanya. Mahirap na, baka kung anong gawin niya sa'kin. "Kuya! Don't you dare do that!"

"Anong kuya ang pinagsasasabi mo diyan?! Kambal tayo, Novey! Kambal! 'Wag mo akong gawing matanda!" bulyaw ko. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na 'wag na 'wag akong tatawaging kuya gayong magkambal kami pero ang tigas lang ng ulo, e.

"Eeeee sa gusto kong tawagin kang kuya! Aangal ka?! Ha?!" lapit nang lapit siya sa'kin na may dalang unan.

"Kung tawagin kaya kitang 'ate'? Anong mararamdaman mo?!"

"Yuck! 'Wag! Hindi bagay sa baby face ko!" sabi niya na nagpout pa.

"Oh. Ngayon alam mo na ang pakiramdam ko 'pag tinatawag mo akong kuya."

"Excuse me lang, kuya! Hindi ka baby faced! Ako lang, okay? 'Wag kang mangarap!" sabay irap sa'kin.

I ignored her remark and headed towards the door. Walang patutunguhan ang away namin like it always do.

A Fool For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon