"Simplicity is beauty."
Alexis POV
"Palasan! Palasan!"
Sigaw ko sa may dulo ng jeep para magtawag ng pasahero. Malapit ng mapuno yun. Sayang naman kasi kung di puno at lalarga na.
"Miss!" Tawag ko sa isang babaeng may hawak na groceries.
"Misis na ako!" Masungit na sabi niya.
Nagbigay ako ng pekeng ngisi. "Ay naku, wala pa po kasi sa itsura niyo yung may asawa." Pambobola ko. "Ang bata bata niyo pa kasi tingnan eh!"
Napangiti na siya sa sinabi ko. "Pasalamat ka pogi ka."
Napangisi na ako ng totoo sa sinabi niya. "Tulungan ko na po kayo."
Kinuha ko muna yung mga bitbit niya at hinintay siyang makasampa sa jeep bago ko ibinigay yung mga dalahin niya.
"Palasan!" Tawag ko pa.
"Alexis!" Humahangos na tawag sa akin ng isang babaeng may katandaan na din.
"Aling Bening naman!" Reklamo ko. "Kanina pa ako nandito at nagtatawag ng mga pasahero. Bakit ngayon lang kayo?"
Siya kasi ang barter dito sa palengke. Pero napilitan akong ako na ang magtawag dahil nga wala siya.
"Pasensya na Lex, nanguha pa ako ng numero nila para sa jueteng mamya." Sabi niya. Bukod kasi sa barter siya, suma-sideline pa siya sa jueteng-ngan.
Napakamot ako sa ulo. "Si Aling Bening talaga o!" Sambit ko. Naiintindihan ko din naman siya dahil pareho kaming kayod kalabaw para sa pamilya. "Sige na ho. Kayo na magtawag ng pasahero."
"Salamat." Nakangiti ng saad niya.
Naglakad na ako papunta sa may driver's seat ng jeepney'ng tatlong taon ko ng ipinapasada.
"Ate!" Sigaw ni Dowee, bunsong kapatid ko at nag-iisang lalake na nasa grade 3 na. Makahulugan ko siyang tiningnan. "Kuya." Pagtatama niya.
"Ganyan dapat." Sabi ko at tinulungan ko na siyang sumampa sa loob ng jeep sa may harapan. "Ang bigat mo." Reklamo ko. Ang taba taba niya kasi. Kasya naman ang tatlo dun, kasali na driver. "Kumusta ang school?"
"Ayos lang naman po." Tugon niya.
"Ang ate Brilliant at ate Cheena mo, nasan na?" Tanong ko sa dalawa pa naming kapatid.
Si Brilliant, nasa first year high school na, si Cheena naman grade 5 na din. At ako ang panganay sa aming magkakapatid. High school lang natapos ko dahil sa hirap ng buhay. Gustuhin ko man mag-aral noon kahit Automotive lang pero wala talaga. Apat na taon pa lang si Dowee ng mamatay si mama. At hindi pa man naipapanganak si Dowee nun, namatay din si tatay Lando sa sakit sa baga.
Sa totoo lang, hindi ko siya totoong tatay ngunit itinuring niya akong parang tunay na anak. Yung totoong tatay ko kasi, na isang half Swedish at half Filipino, dalawang taong gulang pa lang ako nang iniwan niya kami ni mama at sumama sa iba. Wala namang habol si mama sa kanya dahil nga hindi sila kasal.
Hanggang nga sa nag-asawa ulit si mama ng dose anyos ako, kay tatay Lando. Nagkaroon sila ng tatlong anak at sila nga ngayon ang inaalagaan ko sa kasalukuyan. Ulila na kami kaya ako na ang nagtataguyod para mabuhay kaming magkakapatid at makapag-aral sila. Ayoko naman na matulad sila sa akin na hanggang sekondarya lang ang natapos.
"May pina-print lang daw po silang project nila sa may computer shop." Tugon naman niya.
Ilang saglit nga lang ay nandito na sila at nagtungo na sa loob ng jeep at sumakay na.
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - Heiress
RomanceBlaire Arevalo, the heiress of one of the multi-billionaire businessman in the country. A seductive heiress, to be exact. She is rich, smart, alluring and one hell gorgeous young lady. She's one of the most sought after bachelorette. Sasabihin at ga...