"I was just having a dirty thoughts about you."
Alexis POV
"Alex." Tawag sa akin ng malambing na boses na iyon sabay yugyog sa balikat ko. "Alexis." Muli niyang tawag sa akin.
"Hmm." Ungol na protesta ko lang.
Kahit gusto ko yung paraan niya ng pagbigkas sa pangalan ko, ayoko pa ring magising. Ang ganda ng panaginip ko eh. Kinakasal daw ako sa isang diyosa... na walang iba kundi si attorney Laurent Montefalco.
Ang ganda niya talaga.
Bigla pa daw itong naghubad ng damit sa harapan ko at tumambad sa akin ang napakagandang hubog ng kanyang katawan.
"Alexis!" Mas malakas na yung yugyog niya sa balikat ko.
"Ano ba?" Ungol ko saka akmang tatabigin yung kamay niya pero ang ending, bigla akong nahulog sa kinahihigahan ko.
"Alex!" Sigaw niya.
"Aray." Mahinang daing ko dahil tumama yung puwet ko sa sahig.
"Let me help you." Aniya ng kasama ko.
Pupungas-pungas na tiningnan ko siya. Si Blaire pala. Hinayaan ko siyang tulungan akong makaupo sa gilid ng kama.
"Ano bang laman niyang panaginip mo't ayaw mong pagising?" Takang tanong niya.
Napansin kong nasa kuwarto niya kami, ang gulo-gulo ng kama niya. Nakasuot siya ng puting silk robe habang ako ay... hubad?!
Mabilis akong napatakip sa katawan ko, lalo na sa ibabang parte ng mapansing hubad pala ako.
Nakakunot noong tumingin siya sa akin ng mapansing tinakpan ko yung maselang parte ng katawan ko. May pinupulot siya sa sahig, sa may paanan ng kama.
"Ngayon ka pa mag-aabalang magtakip ng katawan?" Nakangiting sabi niya sa akin. "I've seen everything already." Yung boxer ko pala yung pinulot niya sa sahig. "Here." Saka iyon iniabot sa akin.
Mabilis ko iyong kinuha at isinuot. Dun ko napansin yung suot kong singsing sa kaliwang kamay.
Tsk, oo nga pala. Ikinasal kami kaninang hapon ni Blaire. At pagkatapos nun, umuwi kami dito sa condo niya at...
"Kanina pa kita ginigising." Putol niya sa takbo ng isip ko.
"Ha?" Maang na bigkas ko. "Anong oras na ba?" Sabay tingin sa digital clock sa lamesita. "Alas siyete na pala mahigit."
"Kaya nga." Sabi niya habang isa-isang pinupulot yung mga damit naming pareho na nagkalat sa carpeted floor niya. "Baka hinahanap ka na ng mga kapatid mo."
"Blaire." Tawag ko sa kanya.
Tumigil naman siya sa ginagawa at dumiretso ng tayo saka nagtatanong ang mga matang tiningnan ako.
"Gusto kong sa bahay ko tayo titira." Yun pala yung iniisip ko pa kanina habang pauwi kami dito sa condo niya.
Napaisip siya. "Wala tayong privacy..." May alinlangan na sabi niya.
"Maghahanap ako bukas na bukas din ng malilipatang apartment." Naisip ko na din yun. "Ayoko lang kasing isipin ng iba na kaya kita pinakasalan dahil sa pera mo."
"Alex, wala naman yan sa isip ko." Kontra niya.
"Alam ko." Tumayo ako para lapitan siya. "Gusto ko lang umiwas sa gulo." Paintindi ko sa kanya. "Asawa na kita, dala mo ang pangalan ko, kaya dapat lang na sa bahay ko na tayo tumira."
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - Heiress
RomanceBlaire Arevalo, the heiress of one of the multi-billionaire businessman in the country. A seductive heiress, to be exact. She is rich, smart, alluring and one hell gorgeous young lady. She's one of the most sought after bachelorette. Sasabihin at ga...