"I don't believe in love at first sight but I do believe in seeing someone from across the room and knowing instantly that they're going to matter to you and that they're going to play a major role in your life."
Blaire POV
"Hmm." I groaned as I shifted my position in bed.
Napangiwi ako ng mapansin kong ibang amoy ng unan ko. Amoy shampoo ng lalake. Ang sakit sakit ng ulo ko at di ko magawang imulat yung mga mata ko.
May naririnig din akong ingay sa labas. May narinig pa nga akong parang bumagsak na plato.
Kailan pa naging maingay sa condo ko?
Ang sakit sakit talaga ng ulo ko! Muli akong umayos ng higa pero nasa gilid gilid na pala ako dahilan para mahulog ako.
"Argh!" Narinig kong alma na parang nabagsakan ko. "Aray..." Mahinang daing niya at gumalaw yung kinabagsakan ko.
Kahit pa sumasakit yung ulo ko at ang hirap ibuka ng mga mata ko kanina, kusa na itong nagbukas at nanlalaking nakatitig ako ngayon sa isang pares ng kulay asul na mga mata.
Kapwa kami nagulat at napatanga sa isa't isa. Sa ibabaw niya ako bumagsak at hindi sa sahig.
"Kuya Lex kakain ---" Sabay pa kaming napalingon dun sa dalagitang nagsalita sa may pintuan at nagulat din sa nadatnang ayos namin. "Na." Halos pabulong na lang at wala sa sariling dugtong niya.
At hindi pa yun. May dalawa pang bata pa, isang babae at matabang lalake ang sumulpot at nakita ang ayos namin. Napasinghap sila at nagtaka sa nakitang itsura namin.
Agad akong napatayo at umalis sa pagkakapatong sa ibabaw ng lalake. Nun ko lang napansin na mukha pala siyang Swedish. Naiiba siya sa tatlong batang nakatayo sa may pintuan at nakatanga pa rin sa amin.
"Who are you?" Tarantang tanong ko. "Where am I?" Bigla ding nawala yung sakit ng ulo ko sa pagkataranta. "What am I doing here?"
Nakabangon na din yung nadaganan ko kanina. "Ikaw nga kumausap." Napakamot sa ulong sabi niya dun sa parang mas matanda sa tatlong bata na babae.
Napaawang bahagya yung bibig ko ng marinig ko yung boses niya. Akala ko lalake siya!
"Kuya Lex naman." Napakamot din sa ulo yung tinawag niya.
Parang nakuha na kung ano yung pinagpapasahan nila. "Nasan ako?"
Napangisi yung tinawag nilang Lex. "Nagtatagalog ka pala eh!" Sabi niya. "Nandito ka sa bahay namin. Dito sa Palasan."
"Palasan?" Paano ako napunta dito? "A-anong nangyare kagabi?"
"Nakita kita sa daan. Lasing na lasing ka." Kwento nung Lex. "Bigla kang nawalan ng malay. Di ko naman alam kung taga saan ka kaya inuwi na lang kita dito sa bahay namin."
Para namang biglang bumalik yung sakit ng ulo ko. Nagpunta pala ako sa bar sa may di kalayuan dito at naglasing. Hanggang nga sa di ko na nakayanan at inihinto ko yung sasakyan sa gilid ng daan at nagsusuka. The rest... di ko na matandaan.
"Ako nga pala si Alexis." Pakilala niya sa kanyang sarili.
Noon ko lang napansin na nakasuot siya ng boxer short at lumang puting tshirt na tinanggalan ng manggas.
"Mga kapatid ko, si Brilliant." Sabay mosyon sa dalagitang unang pumasok kanina. "Si Cheena." Tukoy naman niya sa sumunod dun sa Brilliant. "At bunso namin si Dowee." Mosyon niya sa batang lalake na mataba.
"Hi po." Nakangiting kaway pa nung batang lalake.
Ang cute niya na para bang ang sarap pisil pisilin nung matatabang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - Heiress
RomanceBlaire Arevalo, the heiress of one of the multi-billionaire businessman in the country. A seductive heiress, to be exact. She is rich, smart, alluring and one hell gorgeous young lady. She's one of the most sought after bachelorette. Sasabihin at ga...