Chapter 8 Criss Cross

29.8K 1.2K 211
                                    

"No one is sent by accident to anyone."


Alexis POV


Medyo napaaga yata ang dating ko sa restaurant na sinabi ni Blaire kagabi kung saan kami magkikita at mag-uusap. Napatingin-tingin ako sa loob, nahihiya akong pumasok, naa-out place ako. Ang gagara ng mga suot ng mga taong nandun at halatang may kaya sa buhay.

Napakamot ako sa ulo. Bakit kasi dito pa niya napili makipagkita sa akin? Napapalatak na lang ako habang nag-aantay sa labas ng restaurant.

Anong oras na ba? Hirap ng walang suot na relo. Di ko malaman kung anong oras na.

Palinga-linga ako sa paligid baka dumating na si Blaire at di ako makita dito sa kinatatayuan ko. Medyo malayo ako dun sa entrance.

Panay ang tanaw ko sa kaliwa ko baka dito siya manggaling. Tanda ko naman kung anong kulay at itsura nung kotse niya.

"Alexis?" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon sa bandang kanan ko. Napasinghap ako at napadiretso ng tayo ng makilala kung sino yun.

"Attorney!" Bati ko kay Attorney Laurent Montefalco na ngayon ko na lang ulit nakita pagkatapos ng gabing iyon.

"It's really you." Nakangiting sabi niya at lumapit pa sa akin. "Anong ginagawa mo dito?"

Para talaga akong nakakakita ng totoong diyosa kapag nakikita ko yung mukha niya. Nakasuot siya ngayon ng formal attire at all white pa.

"Ha ah eh may hinihintay lang po ako, attorney." Sagot ko.

Napansin niya yata yung jeep na minamaneho ko sa may di kalayuan. May tipid na ngiti sa labi niya ng nagbaling ulit ng tingin sa akin.

"Namamasada ka pa rin pala." Saad niya.

"Opo." Tugon ko. Ang ganda niya talaga at ang sexy. Nakakatulala lang. "Kailangan po eh."

"Ikaw naman wag mo na nga akong pino-po." Nakangiting sabi niya. "Laurent na lang."

"Nakakahiya naman." Nahihiyang sabi ko.

"Ayaw mo bang mag-change ng career?" Tanong niya kapagkuwan. Napakunot noo ako sa kanya. "I mean, mag-apply sa ibang trabaho."

"Eh kasi..." Napakamot ako sa batok.

"May gusto sana akong i-offer sayo na trabaho." Hayag niya. "Yung bestfriend ko kasi kailangan niya ng driver. Wala pa akong nahanap. Buti nga nakita kita."

"Kasi attorney." Napangiwing bigkas ko. "May nahanap na po kasi ako eh."

"Ganun ba?" Parang nadismaya ito. "Sayang naman."

"Laurent." May lumabas mula sa restaurant na lalake. Naka-business suit ito at kasing edad lang marahil ni attorney.

"Charlie, I would like you to meet, Alexis." Pakilala sa akin ni attorney Laurent sa kasama. "Siya yung sinasabi kong tumulong sa akin noon."

"Oh, hi!" Nakangiting sabi nung tinawag niyang Charlie. "Nice to meet you Alexis." Inilahad pa niya yung kamay sa akin.

Nag-alangan naman akong tanggapin yun pero kaysa matawag akong bastos, tinanggap ko na iyon at nakipagkamay sa kanya.

"Charlie here." Pakilala niya sa sarili ng makipagkamay ako sa kanya. "Isa sa mga associates ni Laurent."

"Hello po sir." Nakangiting sabi ko. "Nice to meet you din po."

Royal Blood Series - HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon