Chapter 11 Negotiations

30.2K 1.2K 264
                                    

"True love will set you free."


Blaire POV



"Please send my regards to Isabella." Pahabol na sabi ko kay Laurent ng makababa siya sa may parking lot.

Ipapakilala ko sana sa kanya si Alexis pero wala naman siya sa taas sa may waiting area. Sabi ni Candy bumaba daw kaya sumunod ako kay Laur.

"I will." Tugon ni Laur na nagmamadali dahil tinawagan siya ng asawa. Iyak daw kasi ng iyak si Violet.

Sabi ko naman baka nasa teething stage kaya ganun yung bata. Kaya uuwi na si Laurent dahil nag-alala na din siya sa anak.

"I have to go." Saka mabilis akong binigyan ng smack sa labi.

Dati di naman kami ganito magbatian. Pero siguro nasanay na siya. Sana lang wag masamain ng iba.

Natigilan ako. Hindi ko naman ito naiisip dati. Pero siguro dahil na rin sa maayos na siya at ang kanyang pamilya.

Tumango lang ako sa kanya. Sumakay na siya sa kanyang kotse at pinasibad na yun.

Hinanap ko naman ulit si Alexis dito sa may parking lot. Sabi kasi nung guard dito daw niya huling nakita.

Bakit ba kasi di ko agad nabigay yung cellphone niya para matawagan ko? Naisip ko.

Nang mapansin kong parang may tao dun sa kotse ko. Naglakad ako papalapit dun. Nasa loob nga siya ng sasakyan.

Kinatok ko yung bintana. Hindi iyon agad bumukas. Pero ilang sandali lang ay lumabas ang seryosong mukha ni Alexis.

"Anong ginagawa mo sa loob?" Maang na tanong ko.

"Hinihintay ka." Maikling tugon niya.

I rolled my eyes. "Pwede namang sa taas ka tumambay." Saka nameywang sa harapan niya.

"Bakit ba?" Tanong niya. "Aalis ba tayo?"

"Hindi." Gusto kong magtaka sa pakikitungo niya sa akin ngayon. Pero di ko na lang muna iyon pinansin. "Pag-uusapan sana natin yung trabaho mo."

"Pasensya na nakatulog din kasi ako sa loob." Sabi sabay hawi nung buhok niyang di nadamay dun sa pinusod niya ng rubber band.

I sighed. "Lika na sa taas." At nauna na ako naglakad papasok ulit ng building.

Wala kaming imikan habang nasa loob ng elevator. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa gilid. Parang iniiwasan niyang madikit sa akin.

Dahil ba yun sa nangyare kaninang umaga? Di ko maiwasang isipin.

Pagkapasok namin sa opisina, pinaupo ko siya sa upuan sa harap ng lamesa. Binigyan ko siya ng kopya nung kontrata.

"Basahin mo muna saka tayo mag-usap." Sabi ko sa kanya saka sumandal sa swivel chair.

Binasa niya yun at lihim akong napapangiti kapag kumukunot yung noo niya. Ang cute niya kasing pagmasdan.

Hindi ako mahilig sa butch. That's the last thing on my list. But when I saw her that morning, parang... ewan. She's different. Hindi siya katulad ng ibang nakikita ko at nakakasalamuha.

Ang tagal ko na palang nakatitig sa mukha niya, nahuli pa niyang bahagya akong nakangiti habang titig na titig sa kanya.

"Ano 'to?" Kunot noong tanong niya sabay taas nung papeles.

"Contract between you and me." Simpleng tugon ko pagkatapos kung umayos ng upo.

"Alam ko." Parang malapit na siyang mainis. "Bakit kailangan pa nito? Wala ka bang tiwala sa akin?"

Royal Blood Series - HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon