"I can't live another day without you by my side. I can't stand the fact that I'm going to miss you terribly every hour, every minute of each day that passes by."
Alexis POV
"Ano?" Naguguluhang tanong ko kay Blaire habang abala siya sa paglalagay ng mga damit niya sa kanyang maleta.
"I need to attend this conference." Tugon niya habang panay pa rin ang lagay niya ng gamit doon.
Kadarating lang namin kahapon mula sa pamamasyal namin sa Batangas na ang kaibigan niyang si attorney Laurent ang nag-ayos. Well, hindi naman talaga siya ang personal na nag-ayos pero maganda yung ideya niya. Nagustuhan ko talaga at malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil nag-enjoy at naging masaya kami ni Blaire doon.
Pagdating nga namin kahapon, kakabigay ko pa lang sa kanya nung cellphone niya, tawag dito tawag doon na ang inatupag niya. Parang kada minuto yata may komukontak sa kanya.
Sabagay, dalawang araw siyang nawala sa trabaho kaya siguro madaming naghahanap na sa kanya.
Tapos heto nga kinabukasan, umaga ng Biyernes, abala na siya sa pag-iimpake ng mga dadalhin niyang gamit sa tatlong araw daw na conference niya sa Davao.
"Bakit naman kailangang pati Sabado't Linggo may conference ka pa?" Iniisip ko pa lang kasi na tatlong araw kaming hindi magkikita nami-miss ko na agad siya.
Isinara na niya yung maleta niya na halos mapuno na ng kanyang gamit. Nagtira pa siya?
"Alex..." At sa wakas pinansin na niya ako. "Kailangan ko yun. Exposure din yun ng kompanya."
Kompanya, kompanya, kompanya na lang lagi!
Nilapitan niya ako ng hindi ako kumibo. Iniyakap niya ang kanyang mga braso sa beywang ko at hinalikan ako sa pisngi bago inihilig yung pisngi niya sa balikat ko.
"I'm already home before you know it." Malumanay na sabi niya. "At para ma-miss mo din ako." Nakuha pa niyang magbiro.
Napangusong niyakap ko na lang din siya ng mahigpit. Mami-miss ko talaga ng sobra yung init na nagmumula sa katawan niya.
Kaya kahit labag sa kalooban kong umalis siya, hinayaan ko na lang siya. At heto na nga, inihatid ko siya sa building ng kompanya niya. May private jet siya kaya hindi na niya kailangang bumili pa ng plane ticket papuntang Davao.
"Wag mo na ako ihatid sa rooftop." Sabi niya sa akin.
"Ayaw mo ba akong makita bago ka umalis?" Matamlay na sabi ko.
Noon lang sumilay yung lungkot sa mga mata niya. "I hate goodbyes." Saad niya saka nag-iwas ng tingin. Para namang hindi na siya babalik.
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at hinalikan ng madiin sa labi. Yun bang parang ayaw ko na siyang pakawalan at gusto ko dito na lang siya at wag ng umalis?
Siya na ang pumutol sa halikan namin. "I have to go." Nagmamadaling sabi niya at tinanggal na yung seatbelt niya.
"Mag-iingat ka dun. Tawagan mo ako o di kaya mag-text ka sa akin palagi ha?" Bilin ko sa kanya. "Mahal kita."
Natigilan siya sa huling sinabi ko. Namumula yung mga mata niya na parang nagpipigil siyang wag maiyak.
Malungkot na ngumiti siya sa akin. "Mahal din kita. Please don't ever forget that."
Mabilis niya akong ginawaran ng halik sa labi bago nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Ayaw daw niyang ihatid ko siya kaya naman may isang lalaking nagdala nung maleta niya.
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - Heiress
RomanceBlaire Arevalo, the heiress of one of the multi-billionaire businessman in the country. A seductive heiress, to be exact. She is rich, smart, alluring and one hell gorgeous young lady. She's one of the most sought after bachelorette. Sasabihin at ga...