Chapter 10 Many First

32.6K 1.2K 229
                                    

"Goodness armed with power is corrupted; and pure love without power is destroyed."


Alexis POV


Namamanghang inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng condo ni Blaire. Ang linis linis at ang ayos tingnan. Mahihiya kang umapak sa sahig na halos pwede ka ng magsalamin sa sobrang kintab nung tiles.

"Maupo ka muna." Sabi ni Blaire sa akin na hawak ang tuwalyang nakatakip lang sa katawan niya.

Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at itinuon ang pansin sa labas ng ceiling to floor na window glass niya. Kitang kita kasi mismo dito yung naglalakihang building din sa labas.

"Ang aga mo naman kasi di pa ako nakaligo." Saad niya.

"Pasensya na." Hingi ko ng paumanhin at inilagay ang magkabilang kamay sa likod ng suot kong pantalon.

Pinasadahan niya ako ng tingin at tsaka unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Kasya naman pala sayo yung mga pinamili natin kahapon." Sabi niya.

"Oo nga eh." Alanganing ngiti ko. "Okay na ako dito." Sabi ko. "Pwede mo ng ipagpatuloy yung pagligo mo."

"Sige." Sabi niya at nilagpasan na niya ako.

Naamoy ko pa yung ginamit niyang sabon at shampoo. At bago pa siya tuluyang makalampas sa akin, bigla siyang nadulas.

"Blaire!" Malakas na bigkas ko at buti na lang mabilis ko siyang nahawakan sa beywang.

Pero ang siste, ako naman ang nadulas at napahiga sa sahig dala-dala ko siya at napaibabaw siya sa akin.

"Aray..." Mahinang daing ko.

"N-nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin habang nasa ibabaw ko siya at hawak ko pa pala siya sa beywang. "Nauntog ka?"

"Hindi." Nakapikit na sabi ko. "Yung pigi ko ang masakit." Sabi ko.

"Sorry..." Mahinang sabi niya.

Napamulat ako ng mga mata at nasorpresa ako sa lapit ng mukha niya sa akin. Nasa dibdib ko yung mga kamay niya. Napatitig ako sa mga mata niyang nakatunghay din sa akin. Hanggang sa bumaba ang mga tingin niya sa mga labi ko. Napalunok ako ng muli siyang nag-angat ng tingin.

Unti-unting bumaba yung mukha niya sa akin. Konting-konti na lang magdidikit na yung mga labi namin.

At kapwa kami nagulat ng may nagdoorbell. Napapikit ako at lihim na napamura.

Ano bang iniisip ko? Muntik na kaming mag-kiss. Tsk hindi 'to pwede amo ko na siya simula ngayon. Naisip ko.

"S-saglit lang." Sabi ni Blaire dun sa tao sa labas.

Tumayo na kaming dalawa pero shite naman yung tuwalya nasa sahig na. Napasinghap siya at ako naman biglang nanlaki yung mga mata ko pagkakita sa kanyang hubo't hubad sa harapan ko.

Mabilis kong pinulot yung tuwalya at nakapikit na ibinigay ko yun sa kanya.

Kung sinuswerte ka nga naman oo! Pakiramdam ko tuloy ang init init dito sa loob ng bahay niya.

"A-ako na lang bahala dun." Sabi ko sa kanya at tumalikod. "Maligo ka na."

Di ko na hinintay pa yung sasabihin niya at mabilis nang naglakad patungo sa pintuan at pinagbuksan kung sino man iyon.

"Sulat po para kay Miss Blaire Arevalo." Aniya ng mail man.

Inabot ko yung dalawang sobreng dala niya saka pumirma sa papel na hawak niya.

Royal Blood Series - HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon