"Meeting you was like listening to a song for the first time and knowing it would be my favorite."
Alexis POV
Pagkatapos naming kumain ni Blaire sa mamahaling restaurant na iyon at makapag-take out ng maraming pagkain, umalis na kami doon at sinabi niyang sundan ko yung kotse niya. May pupuntahan pa daw kami.
Huminto kami sa harapan ng isang malaking mall. Nagtataka man kung bakit kami nandito, sumunod na lang ako sa kanya.
"Mag sa-shopping ka ba?" Di ko na napigilang magtanong ng pumasok kami sa loob ng isang kilalang brand ng mga damit.
"Yes." Nakangiting sabi niya.
"Good afternoon, Miss Blaire." Nakangiting bati ng mga saleslady dun sa kanya.
Dalawang lugar pa lang yung napupuntahan namin at pansin kong kilala siya ng mga ito. Napapaisip tuloy ako kung sino ba talaga siya. Alam kong anak mayaman siya pero di ko siya kilala.
O ako na lang ang di pa nakakakilala sa kanya?
Napakunot noo ako ng nagpunta siya sa may men's section. Pero naisip ko na baka ibibili lang niya ng damit yung boyfriend niya. Pero bigla kong naalala na sinabi pala nila Brilliant na wala siyang boyfriend ngayon.
Ah basta, labas na ako dun sa kung bakit nandito kami ngayon sa men's section at namimili siya ng mga short sleeve polo.
Kumuha siya ng isang polo at sinipat iyon. Mas lalo pa akong naguluhan sa kanya ng isinukat niya yun sa akin.
"Hmm... okay na siguro 'to." Panay ang sabi niya saka ibinigay lahat yun sa akin.
Malapit na akong lamunin ng mga damit na itinambak niya sa mga kamay ko. Sari-saring t-shirt, short sleeve polo at pantalon ang mga iyon. Nagmukha akong alalay niya.
Tsk sabagay, simula bukas, alalay na ako ng diyosang 'to. Naisip ko.
"Oh, sorry!" Parang nabigla pa siya ng malingonan akong hirap na sa pagdala ng mga pinamili niyang puros panlalake.
Tumawag siya ng saleslady at sinabing kunin yung mga dala ko at dalhin na sa counter. Agad naman silang tumalima.
Hinila niya ako sa braso at dinala sa may mga sapatos. Naggagandahan ang mga iyon. Pumili ako ng isa at curious na tiningnan iyon. Muntik ko na iyong mabitawan ng makita yung presyo niya.
Diyos ko naman pwede na namin yun pambayad ng upa sa bahay ng ilang buwan!
"Uhm, Blaire?" Tawag ko sa kanya habang busy siya sa katitingin ng bibilhing sapatos.
"Hmm?" Hindi man lang siya nag-abalang tingnan ako.
"Balak mo bang magtinda ng mga damit?" May kalakip na birong tanong ko sa kanya. "At puros panlalake pa talaga ang napili mo?" Saka napangisi. "Malapit na tuloy ako magtaka kung maglaladlad ka na ding t-bird."
"What?!" Dun lang siya napabaling ng tingin sa akin.
Naguguluhang tumingin siya sa akin. Marahil di niya naintindihan yung sinabi ko.
"Ah, wala tinatanong ko lang kung matagal ka pa ba?" Napangising tanong ko. "Susunduin ko pa kasi yung mga kapatid ko eh."
"Malapit na tayong matapos." Yun lang sabi niya sa akin.
Kumuha siya ng tatlong pares ng sapatos at ipinasukat sa akin.
"Magkasing sukat ba kami ng boyfriend mo?" Pasimpleng tanong ko. Nagtataka na kasi ako sa kanya.
Natawa lang siya ng bahagya. Napaluhod siya sa harapan ko at tinulungan akong magsukat nung mga sapatos.
"Kaya ko naman." Saway ko sa kanya. Nakakahiya kasi.
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - Heiress
RomanceBlaire Arevalo, the heiress of one of the multi-billionaire businessman in the country. A seductive heiress, to be exact. She is rich, smart, alluring and one hell gorgeous young lady. She's one of the most sought after bachelorette. Sasabihin at ga...