"I want someone to love me as I am, not because of what I have or who I am but because I am me."
Blaire POV
"Good morning papa."
Sabay halik sa kanyang pisngi ng makababa ako galing sa dating kuwarto ko sa third floor ng four storey na family house namin.
"Good morning, hija." Bati din niya at nakangiting nag-angat siya ng tingin sa akin mula sa binabasa niyang diyaryo at inilapag iyon sa tabi niya sa ibabaw ng lamesa.
Naupo ako sa usual spot na inuukupahan ko sa harap ng twelve seater na dining table kapag nagpupunta ako dito sa bahay. Agad akong humigop ng kape ng mailapag iyon sa tabi ko. Kumuha na din ako ng bacoon at inilagay iyon sa plato ko. Alam kong mataman akong pinagmamasdan ng papa ngayon. Nakikita ko siya sa gilid ng aking mga mata at ramdam ko ang mga titig niya.
"How's the company going?" Tanong niya habang pinapanood lang niya akong kumain.
"Doing great, I guess." Yun lang ang naisagot ko.
Kung pwede lang sana ayoko munang pag-usapan ang negosyo sa ngayon. Sumasakit yung ulo ko sa hang over. At di ko alam kung bakit dito ako umuwi kagabi at hindi sa condo ko.
"Good." Napatango-tangong bigkas niya.
Nasa tabi niya palagi yung baston niya. Hindi na kasi siya ganun kadiretso maglakad simula nung nakaraang taon na nagkasakit siya at medyo natagalan sa hospital.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Gutom din kasi ako dahil di ako nag-dinner kagabi at dumiretso na sa bar, mag-isa, since my bestfriend Laurent, is busy with her family.
"Blaire, hija." There's that tone again. I know hindi ko magugustuhan yung susunod na sasabihin niya. "Maybe it's time for you to settle down."
"Pa..." Mahinang protesta ko.
Napadiretso siya ng upo at pumormal ang mukha. "I don't want to speak about your whereabouts and your flings."
Yung pagkakasabi niya ng mga flings ay may konting edge sa dulo. Na para bang pinipigilan lang niyang wag makagamit ng salitang makakasakit sa akin.
Alam ko naman na tanggap niya kung ano ako, pero ang pagkakaroon ko ng girlfriend ang parang hindi pa.
Nabitawan ko yung kutsara't tinidor na hawak ko. Parang bigla akong nawalan ng gana. I need a break.
"But please Blaire, stop it." Sabi niya. "You're not getting any younger anymore. I don't want to see you wasting your time with different girls and ---"
"Papa." Napapikit at may diing bigkas ko.
Hangga't maaari, ayoko siyang sagutin. Malaki ang respeto ko sa kanya. At since nawala si mama, at si kuya naman nasa States na tumira na parang wala ng pakialam pa sa kung anong naiwan niyang responsibilidad dito, si papa na ang parang natirang source of strength ko.
Of course, Laurent's always there for me and so with her wife Isabella, pero iba pa rin yung kadugo mo talaga.
Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan naming mag-ama. Bigla tuloy kumirot yung ulo ko at pumipintig pintig pa sa sakit.
"Uuwi si Niko sa susunod na buwan." Napailing ako sa sinabi niya. "Siguro makakabuting magbakasyon kayong dalawa ---"
"Papa stop it!" Di ko na napigilang magtaas ng boses. "Kailan mo ba maiintindihan na hindi ko gusto si Niko?" Sabi ko. "Na kahit kailan ay hindi ko siya magugustuhan. So please stop dragging me to him. I'm not interested to Niko and never will I be."
![](https://img.wattpad.com/cover/106636434-288-k768726.jpg)
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - Heiress
RomanceBlaire Arevalo, the heiress of one of the multi-billionaire businessman in the country. A seductive heiress, to be exact. She is rich, smart, alluring and one hell gorgeous young lady. She's one of the most sought after bachelorette. Sasabihin at ga...