Chapter 19 Silence

36.5K 1.4K 511
                                    

"Your naked body should only belong to those who fall in love with your soul."


Blaire POV


Nakahiga na ako sa kama ni Alex ng pumasok siya. Nakatalikod ako sa kanya kaya di ko alam kung anong ginagawa niya pero dinig ko yung mahihinang yabag niya na marahil nag-aayos ng mahihigahan sa sahig.

Pinatay na niya yung ilaw bago nahiga. Pakiramdam ko ang lapit lang niya dahil dinig na dinig ko yung bawat pagpapakawala niya ng hininga.

Umayos ako ng higa at tumihaya. Hindi ako makatulog. Namamahay yata ako. Hindi naman ako maarte, though malayong mas malambot yung kama ko sa bahay. Pero hindi naman yun yung dahilan kung bakit di ako makatulog. Nakatatak kasi sa isipan ko yung mga mata ni Alexis... kung paano niya ako pagmasdan kanina. She sent something that made me shiver... in a good way.

Napalingon ako sa baba ng marinig ko yung kaluskos doon. Hindi rin ba siya makatulog? Panay kasi ang iba niya ng posisyon sa higaan. Higaan niya pala 'to, naisip ko. Kaya siguro hindi siya makatulog.

"A-alex?" Mahinang tawag ko sa kanya.

Akala ko hindi na siya sasagot dahil ang tagal niyang di kumibo. "B-bakit?" Pabulong na sagot niya.

Mahimbing na kasing natutulog yung mga kapatid niya. Dinig na dinig pa nga yung paghilik ni Dowee. Hindi naman ganoon kadilim sa loob. May nakasilip kasing liwanag sa may bintana na nagmumula sa ilaw sa poste sa labas.

"Uhm... kasya pa naman ang isa dito eh." Mahinang sabi ko.

Naisip ko lang kasi na kawawa naman siya dun. Ang tigas tigas nung sahig tiyak sasakit likod niya dun. Ako nga dapat ang nakahiga doon dahil ako ang nagpumilit na dito na mag-overnight.

Napabangon siya at naupo. As in pala na nasa ibaba lang siya ng kamang hinihigaan ko. Di rin naman kasi ganun kataas yung kama. Wala pa yatang twelve inches mula sa sahig ang taas.

"Hindi na." Bulong niya. "Hindi ka ba makatulog?"

I shook my head. "Can't sleep." I said.

"Pasensya na kung malakas humilik si Dowee." Bahagyang nakangiting sabi niya.

Napangiti naman ako. "It's okay." Tugon ko.

Nagkatitigan kami at namayani na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Umurong ako ng konti, para bigyan siya ng space.

"Dito ka na matulog. Matigas diyan sa baba." Sabi ko.

Napasuklay siya sa maikling buhok saka sinulyapan yung kinahihigaan niya. "Baka masyado ka ng masikipan diyan kapag tumabi pa ako."

Napailing ako. "It's alright. Kaysa magtiis ka diyan."

Akala ko igigiit pa niyang sa sahig na lang siya. Ilang sandaling lumipas ay kinuha na niya yung unan niya at tumabi sa akin ng higa. Naamoy ko pa yung shampoo'ng ginamit niya kani-kanina lang. Nakaharap kasi ako sa kanya, ramdam ko na nga yung pader sa likuran ko. Siya naman nakatihaya sa bandang kaliwa ko, pero bigla siyang umiba ng posisyon kapagkuwan at humarap sa akin.

She gave me a small smile which I returned immediately. Parang ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko. I can almost feel the heat radiating from her body. Parang gusto din niyang kunin lahat ng hangin na hinihinga ko kaya pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin. Nanatili lang kami doon nakatitig sa isa't isa.

Napatingin siya sa kamay kong nasa bandang dibdib ko. She hesitated for a moment but reached for my hand afterwards. She played with my fingers while she's looking intently at me.

Royal Blood Series - HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon