Chapter 18 She or She?

37K 1.3K 370
                                    

"I regret that I didn't notice you immediately the moment we met."


Alexis POV


"Dito muna kayo ha?" Bilin ko sa kanila, kasama na si Blaire dun. "May pupuntahan lang ako."

Masaya silang naglalaro ng scrabble sa may sala ng hapon ding iyon. Naisipan ko kasing puntahan si Florence para imbitahan din bukas. Konting salo-salo lang naman yung gagawin, hindi naman lahat ng kapitbahay ko invited. Yung mga malalapit lang talaga sa amin.

"Saan ka pupunta kuya?" Tanong ni bunso na di man lang yata umaalis sa tabi ni Blaire.

"Diyan lang." Sabay turo sa labas.

Hindi na sila kumibo at masaya pa ring ipinagpatuloy yung paglalaro nila. Lumabas na ako ng bahay at naglakad palabas sa kanto.

Hindi ko man maintindihan, pero masaya akong nandito si Blaire. Iba kasi yung saya na dulot niya sa mga kapatid ko. Kung bakit sila ganun ka-closed sa kanya, hanggang ngayon di ko pa rin maunawaan.

Naglalakad na ako papunta sa bahay nila mang Tonyo. Natanaw ko na yung jeep nila dun. Nakagarahe na sila Obet at Mio. Bukas yung mababang gate nila kaya pumasok na ako. Pansamantalang dumaan muna ako sa jeep na dati kong ipinapasada at tinapik iyon.

"Na-miss kita kaibigan." Kausap ko dito.

Mukhang wala ng gumagamit nun dahil medyo maalikabok na sa loob. Dati rati makintab 'to dahil alagang-alaga ko.

Naglakad na ako sa may terrace nila. Bukas yung pintuan nila. Sumilip ako sa loob.

"Flo---"

Hindi ko naituloy yung pagtawag ko sa kanya dahil nasa may sala pala siya. Pero hindi siya nag-iisa. May kasama siyang lalake at nahuli ko pa silang naghahalikan.

"A-alexis..." Gulat na gulat na bigkas ni Florence na biglang napatayo at saka inayos pa yung suot na blouse.

Hindi ako agad nakakibo. Lumipat ang tingin ko dun sa lalake. Kilala ko siya. Isa siyang guro din sa pinapasukang eskwelahan ng mga kapatid ko. Sa katunayan, adviser siya nila Cheena. Pero sa pagkakaalam ko, may asawa na siya.

Hindi ko napigilan yung sarili ko at mabilis na pumasok sa loob ng bahay nila Florence saka sinugod ng suntok yung lalake.

"Hayop ka, Reynald!" Ka-batch ko din kasi siya nung high school.

"Alex, stop!" Awat sa akin ni Florence na hinawakan ako sa braso.

"May asawa ka na, kumakalantari ka pa sa iba!" Sabay duro ko dun sa lalake.

"Alex, please!" Pakiusap ni Florence sa akin.

Hindi makasagot si Reynald at di rin makaganti ng suntok dahil pumapagitna na din si Florence sa amin.

"Rey, please umuwi ka na muna." Pakiusap niya. "Please lang."

Walang kibong lumabas ito ng bahay nila Florence. Masama ang tinging sinundan ko siya palabas ng pintuan.

"Alexis." Hinawakan ako ni Florence sa braso at iniharap sa kanya. Umaagos na yung luha niya at halata yung takot sa mga mata niya. "Sana wag itong makarating kay itay."

Hindi ako agad nakasagot. Nakatingin lang ako sa mukha niya.

"Alexis, nakikiusap ako sayo. Mapapatay siya ni itay!" Patuloy na pakiusap niya.

"Kaya ba hindi mo ako sinasagot dahil sa kanya?" Tanong ko.

Mabagal siyang napatango. Dismayadong napasuklay ako sa buhok ko at napapikit saka muli din siyang tiningnan.

Royal Blood Series - HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon