Chapter 21 Undivided

35.3K 1.3K 358
                                    

"The best relationship is one in which your love exceeds your needs for each other."


Blaire POV


"Will you please stop crying?!"

Naiinis ng sabi ni Laurent sa akin habang nakahiga ako sa kama at siya naman ay nakaupo sa gilid. Kanina pa kasi ako iyak ng iyak sa kanya eh. Ang sama sama kasi ng loob ko kay Alexis. To the rescue naman agad itong si Laur ng tinawagan ko siya.

Bumangon ako at naupo sa kama. Kinuha ko yung tissue sa tabi ko saka suminga dun. Napa-eww pa itong kasama ko.

"Will you be a best friend to me even just for once?" Saka ko siya inirapan. "Nakikita mo na ngang iyak ako ng iyak dito sa sama ng loob tapos ganyan ka pa." At pumalahaw na naman ng iyak pagkatapos. "Ang sama sama ng loob ko, Laur!"

"Sino ba kasi yang Alexis na yan?" Galit ng tanong niya. "Give me her address, ipapatumba ko siya ngayon din!"

I shot her a dagger look. "Gusto ko siya eh!"

Laurent rolled her eyes. "Anything new?" Nakakainis lang yung reaksyon niya!

"Ang sarap mong sakalin!" Hinampas ko siya ng unan.

"You know what's wrong with you?" Inagaw niya yung unan na ginamit kong panghampas sa kanya. "You're so gullible!" Exaggerated na sabi pa. "Ang dali mo kasing mahulog sa isang tao, kaya ka din mabilis masaktan!"

"Para mo na ding sinabing ang tanga tanga ko." Napalabing sabi ko.

"Bakit? Hindi pa ba?" Tuya niya.

Nakasimangot na tiningnan ko siya. "Salamat ha? Maraming maraming salamat ang laki ng naitutulong mo sa akin ngayon." Sarkastikong sabi ko.

"Who's this Alexis ba kasi?" Usisa niya. "I want to meet her." Sinagot ko siya ng isa pang singa. "Will you stop that?!"

"Laurent naman eh!" Reklamo ko na parang bata. "Ang sakit sakit na nga."

"Ba't ka kasi pumayag?" Kahit na inis na siya sa akin nilapitan pa rin niya ako saka niyakap. "Tama na." Mahinang sabi niya. "She's not worth it."

Nanatili kami sa ganung posisyon. Hinayaan niya akong umiyak sa balikat niya habang hinahagod-hagod niya yung likod ko.

"Laur?" Sisinghot-singhot na lang ako. Tapos na akong umiyak pero yakap pa din niya ako. "Pwede ba tayong ano..."

Bigla siyang kumalas sa akin. Shock siyang nakatingin sa mukha ko kaya napakunot noo ako sa kanya.

"Blaire, may asawa na ako!" Bulalas niya. "Hindi na tayo pwedeng---"

Sinampal ko siya ng di naman gaano kalakas. "Ang lakas din ng trip mo!" Iba kasi ang pagkakaintindi niya.

"Why did you do that?!" Maang na tanong niya habang nakahawak siya sa pisngi.

"Hindi naman kasi yun ang ibig kong sabihin." Sabay irap ko sa kanya. "Gusto ko lang sanang kumain muna tayo dahil nagugutom na ako."

"May pagkain ka ba sa kusina?" Tanong niya.

"Wala." Sagot ko naman.

"Hay naku Blaire, hindi mo ako mapapagluto!"

Muli ko siyang inirapan. Kinuha ko yung cellphone ko at ako na ang nagpadeliver ng pagkain.

-----------------------

Nagising ako kinabukasan ng marinig ko yung sigaw ni Laurent. Napatingin ako sa tabi ko, wala na pala siya. She chose to stay with me last night. Naiintindihan naman ni Isabella dahil siya pa nga nagsabi na wag ako iwan ni Laur.

Royal Blood Series - HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon