"People grow when they are loved well. If you want to help others heal, love them without an agenda."
Alexis POV
Ipinarada ko yung kotse sa harapan ng building ng kompanya ni Blaire. Dito ko na lang siya hihintayin. Nagtext na lang ako sa kanyang nandito na ako sa baba at dito ko na lang kako maghihintay. Di naman siya nag-reply sa text ko.
Busy pa siguro. Sabi ko na lang sa sarili ko.
Ini-recline ko ng konti yung upuan at kumuha ng isang maliit na pabilog na bibingka na siyang specialty ng mga taga-Laguna at kumain. Mainit-init pa kaya napapahipan ako.
Hindi pa ako nagme-merienda eh, kaya kumakalam na yung sikmura ko. Madami kasing pinapagawang sasakyan sa talyer kaya naman wala na sa amin nakapag-merienda kanina. Iniwan ko na nga lang muna yung mga kasama ko sa talyer para sunduin si Blaire.
Okay na rin 'to. Yung ako ang naghahatid sundo sa kanya. Bukod sa parang sweet yung ganung set-up, nababakuran ko pa siya. Huh! Mahirap na. Baka ibang bampira pa ang maghatid-sundo sa asawa ko. Ayos ng nandito akong kakagat sa kanya.
Binuksan ko yung stereo para feel na feel ko yung moment ko. Kumakain ng bibingka habang naghihintay sa asawa kong diyosa na may music pa sa background.
"It's my life! It's now or never." Sabay ko sa kanta na medyo napapa-head bang pa ng konti.
At para mas feel ko pa talaga, medyo nilakasan ko pa yung volume. Nagha-hum ako habang kumakain.
Sarap buhay dude! Napangisi ako sa isiping iyon saka napailing.
Nagulat na lang ako ng biglang may kumatok sa bintana sa tapat ko. Nabitawan ko pa yung hawak kong bibingka na nakakalahati ko pa lang.
Tiningnan ko kung sino yung kumakatok. Aww! Peste! Tatay ni Blaire!
Nagmamadali kong pinatay yung stereo at binuksan yung pinto saka lumabas ng sasakyan. Napakunot noo pa yung papa niya ng makita yung mukha ko. Conscious na napahilamos ako sa pisngi at bibig baka may mumo pa ako. Makalat pa naman ako kumain kaya sinasaway ako ni Blaire minsan.
"M-magandang hapon ho don Eduardo." Natarantang bati ko sa kanya.
"Sabi ng anak ko, sa isang apartment mo daw siya itinira?" Tanong niya sa pormal na tono, hawak pa ng dalawang kamay yung tungkod niya sa kanyang harapan.
Di man lang niya sinuklian yung pagbati ko. Sabagay ano pa bang aasahan ko? Hindi nga niya ako tanggap para sa kanyang prinsesa hindi ba?
"Oho." Tipid na sagot ko. May pakiramdam kasi akong hindi ito mauuwi sa magandang usapan.
Mas lalong naging pormal yung mukha niya. "Hindi mo man lang ba naisip yung security ng aking anak?" Sabi niya na para akong sinesermonan. "Alam mong isa siyang tagapagmana. Alam yan ng lahat. Paano kung may magtangka sa buhay niya? Kaya mo ba siyang ipagtanggol?"
Napangiti ako ng mapakla. "Huwag ho kayong mag-alala don Eduardo, sinisiguro ko naman na safe ang asawa ko. At wag ho kayong mabahala dahil mababait naman ang mga tao doon sa amin. Walang maglalakas ng loob na kantihin siya. Isa pa ho, kung may magtatangka man, dadaan muna sila sa ibabaw ng aking bangkay bago nila makuha si Blaire."
"At anong ipinapakain mo sa kanya?" Patuloy niya. "Sigurado ka din bang masusustansya ang mga pagkain ninyo at gusto ng anak ko?" Dagdag niya na ikinangisi ko na parang nanunuya. "Mabait ang anak ko, Alexis. Na sa kabaitan niya, minsan hindi na siya nagsasabi kung hindi niya gusto ang isang bagay at tinitiis na lang."
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - Heiress
RomanceBlaire Arevalo, the heiress of one of the multi-billionaire businessman in the country. A seductive heiress, to be exact. She is rich, smart, alluring and one hell gorgeous young lady. She's one of the most sought after bachelorette. Sasabihin at ga...