"I'll do it all in the name of love."
Alexis POV
"Okay na ba 'tong suot ko?" May alinlangang tanong ko sa mga kapatid ko habang panay ang suklay ko sa buhok ko sa harapan ng salamin.
Sa wakas kasi, pumayag si Florence na dumalaw ako sa bahay nila ngayong gabi.
"Okay lang." Parang di siguradong sabi nina Brilliant at Cheena. Si Dowee nasa sala as usual nanonood na naman ng tv.
Kunot noong humarap ako sa kanila. Nakasuot ako ng checkered na polo at nakasuot ng black jeans tapos tinernuhan ko ng converse shoes.
"Ba't parang hindi?" Kunot noong bigkas ko.
"Pogi ka naman eh." Sabi nilang dalawa. "Kahit anong isuot mo." Dugtong ni Cheena.
Hinawakan ko yung dibdib ko. "Kinakabahan yata ako."
Nagtawanan naman yung dalawa saka nag-apir. "Ngayon ka pa kinabahan kuya?" Komento ni Brilliant.
Bumuga ako ng hangin saka lumabas na ng kuwarto. Tutok na tutok si Dowee sa pinapanood na action movie.
"Dowee, pogi na ba si kuya?" Tanong ko sa kanya para maagaw ko yung atensyon niya.
Nag-thumbs up lang siya sa akin ng di man lang pinagkaabalahang tingnan ako.
"Di mo naman ako tiningnan eh." Paglalambing ko sa kanya.
"Eh kasi kuya..." Nagbaling siya ng tingin sa akin. "Bakit mo pa kasi nililigawan si ma'am Florence eh halata namang ayaw ka nun!"
Aray ko!
"Gusto ako nun." Kontra ko. "Nagpapakipot lang yun."
Ibinalik niya yung atensyon sa pinapanood. "Di sana noon ka pa niya sinagot kuya."
"Korek!" Sabay na approved nung dalawang dalagita sa sinabi ni bunso.
"Tama si Dowee kuya." Sabi naman ni Brilliant na inakbayan ako. Mas matangkad ako sa kanya ng ilang pulgada. "Kung talagang gusto ka niya eh di sana noon ka pa niya sinagot."
"At ang tagal naman niyang magpakipot kung sakali." Singit naman ni Cheena. "Halos isang taon?" Saka napaikot ang mga mata.
"Kayo naman." Saway ko sa kanila. "Eh siya ang gusto ko." Paintindi ko sa kanila. "Maganda, mabait, matalino, marunong sa bahay... saan ka pa? Ideal wife ko yun!"
"Mabait din naman si ate Blaire."
Dun ako hinarap ni Dowee at napakunot noo ako sa pagsali niya sa pangalan ni Blaire na di ko na ulit nakita simula nung inalok niya ako ng trabaho, tatlong araw ng nakakaraan.
"Matalino, at mas maganda pa kay ma'am Florence!" Pagbibida niya.
"Uy, uy, uy." Sabi ko. "Ba't nasali sa usapan si Blaire?" Tanong ko kay Dowee.
"Gusto ko siyang maging ate." Saka napangalumbabang sagot ni Dowee.
"Gusto mo siyang maging ate?!" Di makapaniwalang bulalas ko. "Imposible yan bunso!" Sabi ko na mas lalong ikinalukot ng mukha niya. "Isa pa, malay mo may asawa't anak na yun ---"
"Wala pa!" Sabay sabay pa nilang kontrang tatlo sa akin.
"At tsaka ang yaman nun!" Pagpapaintindi ko. "Malay niyo din may boyfriend na."
"Wala daw!" Sabay sabay na sagot nilang tatlo.
May pagdududang tiningnan ko silang tatlo. "Magtapat nga kayo sa akin." Sambit ko. "Dinadalaw niya ba kayo dito kapag wala ako?"

BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - Heiress
RomantikBlaire Arevalo, the heiress of one of the multi-billionaire businessman in the country. A seductive heiress, to be exact. She is rich, smart, alluring and one hell gorgeous young lady. She's one of the most sought after bachelorette. Sasabihin at ga...