Chapter 30 The Mechanic

32.4K 1.1K 246
                                    

"I will try to fix you."


Alexis POV


"Naayos na ba yung sira niyan?" Tanong ko kay Mang Gener, dati ng kasa-kasama ni Mang Darwin dito sa talyer.

Pinanatili ko na lang kasi siya para may kasama kami dito sa talyer na eksperto sa pag-aayos ng mga sira ng sasakyan.

"Oo, Lex. Tapos ko na 'to kahapon." Sagot niya.

Napatango-tango ako. Mahigit isang linggo na ding bukas yung talyer ko. Sa awa ng Diyos malakas naman, di nga kami nawawalan ng customer.

"Kukunin na kasi yan ng may-ari mamyang hapon." Tukoy ko sa multi-cab na inayos niya.

"Tamang-tama, maayos na yung takbo. May pinalitan lang akong piyesa sa makina." Saad niya.

Sabay pa kaming napatingin ng may isang magarang kotse na kulay metallic grey ang pumarada sa harap ng talyer. Napameywang ako habang kunot noong hinihintay kong bumaba ang sakay nun.

"Hey!" Nakangiting mukha ni Blaire ang tumambad sa amin ng bumukas yung pintuan ng driver's side.

Maang na naglakad ako papalapit sa kanya para salubungin siya. "Kanino yan?" Takang tanong ko sa kanya.

Sinalubong niya ako ng halik sa labi. Di niya inalintanang may mga kasama kami sa talyer at niyakap pa ako sa batok.

"Sa akin." Tugon niya. "Di kasi nagagamit naka-stuck lang sa may parking area ko sa condo." Saad niya.

"Ba't mo dinala dito?" Tanong ko na di na nagtaka pa kung may iba pa siyang sasakyan.

Bukod sa ginagamit kong panghatid sundo sa kanya sa opisina na kulay puting kotse niya, meron pa akong nakita nun na ginamit niya. Yung kulay pula. At ngayon nga heto isang mamahaling sasakyan na aabot ng ilang milyon ang halaga ang ngayo'y ginamit na naman niya.

"Gusto ko pa-check sayo." Sabi niya na di pa rin tinatanggal ang mga kamay sa batok ko.

Bukod kasi sa may mga kasama kami dun na napapasulyap sa amin at lihim na may ngiti sa mga labi, ang dumi pa nung kamay ko. Puros grasa yung kamay ko kaya di ko siya mahawakan. Baka madumihan yung suot niyang yellow dress na hanggang kalahating hita lang niya ang haba at mas lalong nagpatingkad sa angkin niyang ganda.

"Mang Gener, paki-check nga po muna." Sabi ko sa butihing matanda. May ginagawa kasi sina Obet at Mio.

Agad naman na tumalima si Mang Gener at lumapit sa sasakyan ni Blaire. Binuksan nito yung hood at sinipat.

"Hug mo 'ko." Lambing niya sa akin.

"Hindi nga pwede madumi yung kamay ko." Dahilan ko sa kanya. "Isa pa ang daming tao o." Mahinang bulong ko sa kanya.

Bukod sa mga kasamahan ko dito sa talyer kasi may ilan pang customers kami na naghihintay ng kani-kanilang mga sasakyan.

"So?" Mas lalo pa niyang inilapit yung katawan niya sa akin. "I don't care." Nakangusong sabi niya. "Asawa naman kita."

Napangiti ako ng bahagya. Ang cute niya kasi kapag ganung nakanguso. Naaakit na tuloy akong halikan siya.

"Wala namang sira yung kotse." Saad ni Mang Gener ng bumalik siya sa kinaroroonan namin.

"O, wala naman daw sira." Sabi ko kay Blaire na sa beywang ko na ngayon nakayakap. "Bumalik ka na sa opisina mo."

Mas lalong nanulis yung nguso niya. "Ayokong bumalik muna dun. Pupunta si papa mamya. Sinabi ko kay Candy na sabihing may meeting ako sa labas."

Royal Blood Series - HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon