"Hurt me with the truth but never comfort me with a lie."
Alexis POV
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at ang puting kisame ang sumalubong sa akin. Sinubukan kong igala ang aking paningin pero nasisilaw ako sa liwanag na nagmumula sa bombilya sa kuwartong kinaroroonan ko.
"Hmm." Napaungol ako.
Ang natatandaan ko, isinugod nila ako dito sa hospital dahil sa sakit ng tiyan. Nawalan pa nga ako ng malay ng gabing iyon. Pero bakit pati puson ko masakit din?
Bahagyang nakapikit ang mga matang iginala ko ang paningin sa paligid, nakita ko si Brilliant na naghuhugas sa may lababo.
Nasa hospital pa ba ako? Bakit parang pakiramdam ko hindi? Ang gara naman ng hospital na 'to. May sariling kusina at ang laki pa nung tv na nasa tapat ko lang. May kulay berde pang couch sa gilid.
Sinubukan kong bumangon. "Aray..." Mahinang ungol ko sabay sapo sa puson ko.
"Kuya!" Nagulat naman si Brilliant at agad akong dinaluhan. "Kuya wag mo munang piliting bumangon."
"Gusto kong maupo." Sabi ko sa nanghihinang boses.
"Saglit lang, kuya." May pinindot siya sa gilid ng kama at na-reckline yung kinahihigaan ko.
"Saang hospital niyo ba ako dinala?" Takang tanong ko kay Brilliant habang inaayos niya yung unan para maging komportable ako.
"Dito po sa St. Clarence kuya." Tugon niya.
Nanlaki naman yung mga mata ko. Nagising na ako ng tuluyan. "Bakit dito?!" Medyo tumaas ang boses na tanong ko. "Ang mahal mahal dito."
"Si ate Blaire po kasi ang nagsabi na dito ka dalhin." Tugon niya.
"Dumating na ba siya?" Parang na-excite pa ako na magkikita na kami.
"Hindi pa po eh." Sagot niya. "Si attorney Laurent ang nag-asikaso ng lahat para sayo dito sa hospital. Pati yung pag-a undergo mo ng lab test. Siya lahat ang nag-asikaso dahil bilin daw sa kanya ni ate Blaire."
Parang nalungkot naman ako bigla. "Ilang araw na ba akong nandito?"
"Tatlong araw na kuya."
"Tatlong araw?!" Nabiglang bigkas ko.
Kung itinakbo nila ako nung gabi ng Biyernes, Lunes na ngayon? Awtomatikong napatingin ako sa orasang nasa dingding. Alas diyes na ng umaga. Ganun ako katagal nakatulog?
"Kung Lunes na ngayon, bakit hindi pa dumadating ang ate Blaire mo?" Bigla naman akong sinalakay ng pag-aalala. "Kahapon pa sana siya dumating. Ano bang sabi niya? Nakausap mo ba siya?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Nung gabi po ng Biyernes, ng isinugod ka namin dito sa hospital at tsaka kaninang umaga lang. Tinatanong ka po kung gising ka na." Saad niya. "Baka mamya tatawag po ulit yun."
"Eh yung dalawa nasan?" Tukoy ko kina Dowee at Cheena.
"Umuwi muna kuya, kasama si kuya Mio para kumuha ng iba pang gamit mo." Tugon niya.
"Ha?" Napakunot noo ako. "Bakit? Magtatagal pa daw ba ako dito? Gusto ko ng umuwi." Napangiwing sentimyento ko.
Sa lahat pa naman ng ayoko yung nandito sa hospital at manatili dito. Pakiramdam ko parang mas lalo akong magkakasakit pag nandito ako.
Naputol ang usapan namin ni Brilliant ng bumukas yung pinto at iniluwa nun si attorney kasama ang kanyang mag-ina.
"Oh, you're awake!" Parang natuwa siya ng makita akong gising na. "Finally."
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - Heiress
RomantizmBlaire Arevalo, the heiress of one of the multi-billionaire businessman in the country. A seductive heiress, to be exact. She is rich, smart, alluring and one hell gorgeous young lady. She's one of the most sought after bachelorette. Sasabihin at ga...