Chapter 31 Little Tease

32.4K 1.2K 204
                                    

"Your scent is like a drug to me. You sent shiver down my spine every time you touch me. You're such a little tease."


Blaire POV


"Hayy!"

Laurent exhailed exaggeratedly while she's lying naked beside me. Kunot noong nagbaling naman ako ng tingin sa kanya. Katulad niya, hubad din akong nakahiga sa kama.

"What?" Patay malisyang tanong niya sa akin ng mapansing nakatingin ako sa kanya.

"Spill it out, Laur." Saad ko habang inaayos yung puting telang tumatabing sa hubad kong katawan.

"Nothing!" Sabay iling pero pansin ko naman yung nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

Magsasalita sana ako pero naramdaman ko na yung banayad na kamay na nagmamasahe sa balikat ko.

"Oh, damn!" Napapikit pang sambit ko. "It feels good."

Narinig ko yung nanunuksong tawa niya. "I've missed hearing those moans babe."

Bigla akong nagmulat ng mga mata at kunwaring sinamaan ko siya ng tingin.

"And how you whimper and writh underneath me." Dagdag niya. And to complete the tease? She seductively bite her lower lip.

"Gross!" Kunwaring sabi ko sa kanya na ikinatawa niya ng malakas.

Kung may makuha lang ako na bagay na pwedeng ibato sa kanya habang nakadapa siya sa kabilang kama, kanina ko pa ginawa.

"Na-miss ko lang kasi magpa-spa." Saad ko sa kanya.

Napapapikit ako sa banayad at nakaka-relax na pagmasahe sa akin ng babaeng nakatoka sa akin. Si Laurent parang wala lang na minamasahe naman nung isa pang massage therapist.

"It's not bad to take a break once and a while, Blaire." Saad niya.

"Look who's talking." Komento ko.

"At least ako nandiyan sina Bella at Violet na nagtatanggal ng stress ko." Saka siya napangiti. Ang sweet ng ngiti niyang iyon. "Makita ko pa lang silang dalawa na safe and happy, nawawala na yung pagod ko."

Napangiti naman ako sa kanya. "Nandiyan din naman sina Alexis at yung mga bata." Saad ko. "Ngayon na lang ulit ako naging masaya ng ganito, Laur."

Napangiti siya sa akin. "I'm happy for you." Sincere na sabi niya.

"I know." Nakangiting tugon ko.

"Mind if I ask you something?" Kapagkuwa'y tanong niya.

"Uhum." I hummed in response.

"May gusto ba sa akin si Alexis?" She asked. Harmless question.

Ako naman ngayon ang natawa ng malakas. "I thought you wouldn't ask." Sabi ko.

"Can't blame her." Confident na wika niya. "With my beauty and charm that no one can resist? I'm not surprise anymore."

"She has a crush on you." Saad ko. "Siguro simula pa nung nakita ka niya ng gabing iyon at iniligtas ka niya."

Actually, wala naman sa akin kung may crush si Alexis sa kaibigan ko. I'm not jealous. Isa pa, si Laurent naman yan. Harmless. Pero pag sa iba siguro siya nagka-crush, hay naku magtago na yung kung sino mang subject of interest niya bago ko siya burahin sa mundong ibabaw.

"So how's the father in law that you're talking about?" Pag-iiba niya ng usapan. "Alexander Karlsson? Is that his name?"

Napasimangot ako pagkasambit niya sa pangalan ng papa ni Alexis. "Nothing but a social climber."

Royal Blood Series - HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon