"I already found my favorite place... beside you."
Alexis POV
Mag-aalas siyete na ng maigarahe ko yung jeep at maibigay ko yung boundary ko kay Mang Tonyo. Sakto namang lumabas si Florence ng paalis na ako.
"Magandang gabi, Florence." Nakangiting bati ko sa kanya sabay hawi ng buhok ko.
"Magandang gabi din sayo, Alexis." Nakangiting bati din niya.
"Uhm," Nahihiyang lumapit ako sa kanya sa may terrace nila. "Pwede ba akong dumalaw sayo mamya?" Tanong ko.
"Wala ka bang pasok sa gasoline station ngayon?" Kunot noong tanong niya.
"Wala. Naka-off duty ako." Nakangiting sagot ko. "Pwede ba?" Kulit ko sa kanya.
Napangiwi siya. "Pasensya na Alex, may bisita din ako mamya eh."
Napapalatak ako. "Naunahan na pala ako."
Napangiwi lang siya sa akin. Napakamot naman ako sa ulo. Ang dami kasi niyang manliligaw eh.
"Sige, mauna na ako." Bagsak ang mga balikat na nagpaalam ako sa kanya.
"Sige. Ingat sa pag-uwi." May apologetic na ngiting sabi niya.
Lulugo-lugo akong umuwi bitbit ang ulam na inuwi ko para sa mga kapatid ko. Nilagang baka. Medyo madami ako napasadahan ngayong araw kaya bumili ako ng masarap na ulam para naman sa kanila.
Pag wala kasi silang pasok o bakasyon, nagtitinda sila sa tapat ng bahay ng mga street foods. Para daw makatulong sila sa akin. Hinayaan ko na lang sila, mukhang nag-eenjoy naman sila sa pagtitinda eh.
"Alexis!" Tawag sa akin ni aling Melda ng mapadaan ako sa sari-sari store niya.
"O aling Melda." Tumigil naman ako at hinarap siya.
"May napakagandang babae kanina na naghahanap sayo at kung saan ka nakatira." Balita niya sa akin at napakunot noo naman ako. "Mayaman na mayaman ang dating. Ang gara pa ng kotse."
Napaisip naman ako. Wala naman akong kilala o kaibigan na mayaman. Pero may isang imahe ng babae ang pumasok sa isipan ko.
Ano na nga ulit pangalan nun? Bell ba? Nakalimutan ko na kasi. Isa pa, bakit naman siya babalik?
"Ay wala po akong kilalang ganun eh." Dahilan ko sa kanya. "Sige ho aling Melda." Paalam ko sa kanya.
"Akala ko nga nobya mo eh!" Habol niya.
Natatawang napailing na lang ako. Girlfriend? Tsk. Nahihibang na ba si aling Melda? Sino namang mayaman at napakagandang babae ang magkakagusto sa akin?
Alam kong guwapo ako pero alam ko din naman na walang mayaman na magkakamaling magkagusto sa isang katulad kong mahirap lang.
"Lex." Bati sa akin ng mga kapitbahay na nadadaanan ko.
Ngiti at tango lang naman ang iginaganti ko sa kanila. Kahit naman mahirap ang buhay dito sa amin, masaya naman ang mga tao at mababait.
Natigilan ako ng makita ko yung puting kotse sa harapan ng bahay namin. Naalala ko yung sinabi ni aling Melda kanina. At ng makarinig ako ng tawanan sa loob ng bahay, agad akong napatingin dun. Kunot noong naglakad ako papasok ng bahay.
"Hindi po ganyan!" Natatawang sabi ni Cheena sa bisita namin.
"Paano ba?" Natatawa ding tanong niya sa kapatid ko habang tinuturuan siya sa tinatahi.
![](https://img.wattpad.com/cover/106636434-288-k768726.jpg)
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - Heiress
RomanceBlaire Arevalo, the heiress of one of the multi-billionaire businessman in the country. A seductive heiress, to be exact. She is rich, smart, alluring and one hell gorgeous young lady. She's one of the most sought after bachelorette. Sasabihin at ga...