Chapter 27 Annoyance

36.3K 1.2K 468
                                    

"Marry someone you want to annoy for the rest of your life."


Blaire POV


Napahikab ako habang nagpre-present yung Sales & Marketing Department Head ng kompanya sa harapan ng conference room ng umagang iyon. Pakiramdam ko antok na antok ako at nanlalata pa.

Nakakainis kasi yung Alexis na yun, ayaw ako tigilan. Na-late pa ako ng twenty three minutes sa meeting namin. For the first time, na-late ako sa meeting!

Kasama dito sa meeting yung prospective investors kaya kinailangan ko talagang um-attend nitong meeting na 'to. Hindi na kasi ito pwede i-move dahil may nauna na ding compromises yung mga ka-meet ko.

Muli akong napahikab at medyo nag-slanting ng upo sa swivel chair na kinauupuan ko. Nasa bandang dulo ako, sa kabisera. Kinuha ko yung sign pen at sinulatan yung likod ng kopya ko ng report.

Okay lang, pa-print na lang ako ng ibang kopya ko. Inaantok talaga ako eh. Naubos na yung kape ko. Wala na akong ibang mapagdidiskitahan. I need to stay awake.

"Miss Blaire?" Parang wala akong naririnig na nagpatuloy sa ginagawa. "Miss Blaire." Mas malakas na yung tawag saka napatikhim pa.

"What?"

Clueless na nag-angat ako ng mukha. Nasa akin na pala ang atensyon nilang lahat ng may pagtataka sa kani-kanilang mukha.

Mabilis akong umayos ng upo saka tumingin kay Rowan. "Are you done with your presentations?" Tanong ko sa kanya trying to get back my composure.

"Yes, ma'am." Sagot niya.

"Alright." Tugon ko. "Christine, please proceed with your presentation." Utos ko sa babaeng katabi ni Rowan. "Christine is the Head of Accounting Department." Pakilala ko sa mga nandito. "She's going to present to you the financial condition and stability of our company. So rest assured that your investments are in good hands." Saka sinenyasan si Christine na magsimula na.

Sabi nga nila sa laro, it doesn't matter how you started the game, but how you finished it. Kaya naman ngayon, I ended up shaking hands with our new five investors na ilan sa kanila ay may ibang lahi.

"Thank you, gentlemen." Sabi ko sa kanila. "Please expect the contract early this afternoon for signing. If you have changes to make, don't hesitate to call me."

Nagpaalam na silang lahat at umalis na sa loob ng conference. Pinahatid ko sila kay Christine at Rowan palabas.

Napabuga ako ng hangin at inayos na yung gamit ko sa ibabaw ng lamesa. The hardest part is over, sabi ko sa sarili ko. I can relax for a little while. Mamyang hapon naman yung iba pang line-up ng schedules ko.

Napasulyap ako sa suot kong relo, it's already past eleven in the morning. Kaya pala kumakalam na sikmura ko. Hindi ko kasi nagalaw yung dinala nilang blueberry cheesecake na merienda dito. I'm not craving for sweets right now. Mas lalo lang madadagdagan yung panghihina ko. I want some adrenaline rush at the moment.

"Hey." Bati sa akin ng isang baritonong boses na di ko man lang namalayang pumasok sa loob ng conference room.

Mabilis akong napabaling sa direksyon niya. "Oh, Niko." Saka ulit bumalik sa pagkuha ng mga gamit ko. "What are you doing here?"

"I just came by to see you." Sabi niya saka lumapit sa akin. "Let me help you."

"No." Tanggi ko. "Kaya ko na."

"No, Blaire." Giit niya. "Let me."

Akma sana akong iiwas sa kanya dahil sobrang lapit niya sa akin pero natapilok naman ako at muntik ng matumba kung di lang siya maagap.

Royal Blood Series - HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon