Chapter 28 Life's Easy with You

35.3K 1.2K 287
                                    

"If you wonder about the spell I'm under, it's your love."


Blaire POV


Hindi pa rin kami gaano nag-uusap ni Alexis ng araw na iyon. Kahit sa harapan ng mga bata, pero mukhang hindi naman nila napansin dahil nakikisali pa rin kasi kami sa masayang kwentuhan nila tungkol sa nangyare sa kanila sa school sa buong maghapon.

Hanggang sa pagpasok namin sa loob ng kuwarto namin. Patalikod pa akong nahiga sa kanya.

Agad akong pumikit at kunwaring natutulog na ng pumasok siya sa loob ng kuwarto. Kakatapos lang niyang maglinis ng katawan. Narinig kong umingit yung kama at lumundo iyon ng sumampa siya.

Saka lang ako nagmulat ng mga mata ng nakahiga na siya at dinig ko yung pagbuntong hininga niya.

Naging maayos naman yung deal kanina kasama yung may-ari talyer na si Mang Darwin. Nagwithdraw siya ng pera na pinambayad niya sa kanya. Kaya simula bukas, siya na ang may-ari nun. Yung ibang legal matters, like yung pag-transfer ng pangalan nun sa kanya, pinaayos ko na sa lawyer ko para mapadali.

Muli kong naramdaman yung paggalaw niya at namalayan ko na lang na nakadantay na pala sa beywang ko yung kanang kamay niya. Nakadikit yung likod ko sa harapan niya.

"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" Matamlay na tanong niya at ibinaon niya yung mukha niya sa crook ng leeg ko. "Sorry na."

Hindi ako kumibo. Mas lalo pa niya tuloy akong hinapit at nagsumiksik sa likuran ko.

"Sorry na." Saka ako dinampian ng halik sa balikat.

I let out a deep breath and roll over to face her. May pagsusumamo sa mukha niya ng magkaharap kami sa higaan.

"Bati na tayo." Sabi niya.

"Ang tigas kasi ng ulo mo." Sabi ko sa kanya. "Kaya ko naman sanang i-handle kanina si Niko." Hinawakan ng hintuturo ko yung pasa niya sa gilid ng labi. "Eh di wala ka sanang ganyan." Saka iyon diniinan.

"Aray." Napangiwi siya sa ginawa ko. "Eh alam mo namang ayoko siyang umaali-aligid sayo. Ayoko ding nakikipagkita ka pa dun."

"Hindi naman yun maiiwasan eh." Saad ko. "He's a family friend. Kaya di maiiwasang magkita kami."

Napapalatak siya saka napaismid sa sinabi ko. Nakakunot noo din siya at halatang di nagustuhan yung sinabi ko.

"Besides, alam mo namang wala akong gusto sa kanya." Patuloy ko. "At alam mo ding ikaw ang gusto ko."

Napatitig siya sa akin ng sinabi ko yun. Kinuha niya yung dalawang kamay ko at hinalikan yung knuckles ko.

Umusad siya ng konti para makalapit sa akin. Muli niyang idinantay yung kamay niya sa balakang ko.

"Bati na tayo?" Tanong niya sa akin na bahagya ng nakangiti.

"Pag-iisipan ko pa." I teased.

"Wag mo ng pag-isipan." Palatak niya at tuluyan na akong niyakap.

Pabiro ko naman siyang itinulak sa dibdib. "Di pa nga ako--- ayy!" Napaigtad ako ng kiniliti niya ako sa tagiliran. "Alexis hah!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Babatiin mo ba ako o kikilitiin kita?" Pinagbantaan pa talaga ako.

"Alex, isa." Saka ko siya inirapan.

"Blaire, isa." Saka inumangan ako ng kiliti. "Ano?"

"Oo na, sige na!" Napilitang sabi ko. "Ang daya mo talaga!" Sabay irap sa kanya.

Royal Blood Series - HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon