Chapter 24 Pride

34.3K 1.3K 364
                                    

"Nothing is sexier than someone who wants you as much as you want them."


Alexis POV


"Ready?" Tanong sa akin ni Blaire ng sinundo ko siya sa opisina niya para daw dalawin yung papa niya.

Tumango lang ako sa kanya.

Kinuha na niya yung bag niya saka lumapit sa akin sabay sabing let's go. Ikinawit niya yung kamay niya sa braso ko ng lumabas na kami ng kanyang opisina.

Nadaanan namin si Candy na naghahanda na rin lumabas para kumain ng pananghalian.

"Alam na ba ni Candy yung tungkol sa atin?" Tanong ko kay Blaire ng makapasok kami sa loob ng elevator.

"I don't know." Kibit balikat niya. "Why?"

"Wala naman." Tugon ko.

Ilang segundo pa ay bumukas na yun at lumabas na kami. Nakakawit pa rin yung braso niya sa kamay ko. Alam kong pinagtitinginan nila kami ngayon at siguro nagtataka sila kung bakit nakahawak sa akin si Blaire.

Inalalayan ko siyang pumasok sa loob ng sasakyan bago ako umikot sa may driver's side.

"Anong laman nung paper bag sa backseat?" Kunot noong tanong niya ng makapasok ako sa loob.

"Ah wala!" Bigla naman akong nataranta. "Ah Blaire." Tawag ko sa pansin niya para mawala yung atensyon niya dun sa paper bag sa backseat. Nakalimutan kong itago. "Baka mamya ko pa malalaman kung may bakanteng apartment malapit lang dun sa tinitirhan natin ngayon."

At mukhang epektib naman dahil mabilis kong nakuha yung atensyon niya.

"Okay lang." Tugon naman niya na bahagyang ngumiti.

In-start ko na yung sasakyan at nagsimula nang imaniobra iyon. "Pasensya ka na muna sa bahay."

Inihilig niya yung ulo niya sa balikat ko. "Ano ka ba?" Sabi niya. "Wala naman yun sa akin. Basta masaya tayo, yun ang importante."

Napangiti naman ako. "Masaya ka ba talaga sa akin?"

Tumingala siya. "Oo naman." Saka ako hinalikan sa pisngi at muling bumalik sa pagkakahilig niya sa balikat ko.

"Hindi ko inakalang ganun pala ang epekto mo kay Dowee." Naalala ko yung nangyare kagabi.

Napangiti siya. "Sabik siyang magkaroon ng mother figure."

"Oo nga eh." Sang-ayon ko.

Sa totoo lang, nagpapasalamat ako at ka-closed niya yung mga kapatid ko. At si Dowee, masaya ako na makita din siyang masayang masaya. Masigla pa siyang bumangon kaninang umaga.

"Paano pala pag nagka-baby na tayo?" Bigla niyang tanong.

"Ha?" Nabiglang bigkas ko. "Baby?"

Umayos siya ng upo. "Oo. Ayaw mo ba?"

"Syempre gusto ko." Maagap na tugon ko. "Pero kailangan ko munang makahanap ng regular na trabaho."

"Bakit ka pa maghahanap eh meron na naman?" Takang tanong niya.

"Blaire... di naman magandang tingnan pag nagpatuloy pa akong magtrabaho bilang driver mo. Asawa mo na ako." Tugon ko.

"Di ba mas maganda pa nga yun para lagi tayong magkasama?" Saad niya.

"Para sa akin kasi hindi magandang tingnan yung ganun, tapos sinuswelduhan mo ako?" Paunawa ko sa kanya.

"Is it your pride talking or you?" Sabi niya.

Royal Blood Series - HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon