"I am your cure and you are my disease. I'm saving you but you're killing me."
Alexis POV
Bumaba ako ng jeep ng maipila ko yun sa may pilahan ng pampasaherong jeep. Kakatapos lang biyahe ko. Buti maraming pasahero ngayon sa palengke.
Nagtungo ako sa may karinderia na kinakainan ko ng makaramdam ako ng gutom. Saktong alas dose naman na ng tanghali.
"Lex!" Sabay kaway tawag sa akin ni Mio ng makita ako.
Nandun na pala yung dalawang kumag di man lang nagsabi sa akin. Naglakad ako papalapit sa kanila, nakaupo sila sa harap ng pang-apatang lamesa. Madami na ring tao sa loob ng karinderia.
"Kanina pa kayo dito?" Tanong ko ng makaupo ako sa tabi ni Obet.
"Hindi naman. Kadarating nga lang namin." Sagot naman ng katabi ko.
"Nakaorder na ba kayo ng pagkain?" Usisa ko pa sabay hawak sa tiyan ko. "Gutom na gutom na ako."
"Hindi pa." Sagot ni Mio. "Libre mo?" Sabay ngisi pa na nagpakita sa bungal niya.
"Ulol!" Ganti ko. "Sa akin ka pa nagpalibre."
Lumapit naman sa amin yung serbedora ni Aling Delia. May hawig siya kay Rufa Mae Quinto. Mas maitim nga lang 'to ng konti.
"Hi Donna!" Bati sa kanya ni Mio. Matagal na niyang crush si Donna ayaw naman magpaligaw kay Mio.
"Hmp!" Irap naman sa kanya ni Donna. "Hi ka diyan!" Supalpal na.
At ng bumaling sa akin ay ang lawak ng ngiti at biglang naging malambing ang mga titig at boses.
"Hi, Lex." Sabay ipit pa ng buhok sa likod ng tenga. "Anong order mo?" May pa-twinkle eyes pa.
Hindi ko alam kung nangiti ba ako o nagangiwi sa kanya. "Ah ano lang sa akin. Isang menudo tsaka kanin. Samahan mo na din ng tubig." Sabi ko. "At extra rice."
Mabilis naman niya iyon isinulat sa hawak na 1/4 size na writing pad.
"Ayaw mo ba ng take out?" Tanong pa niya.
"Ha? Ah eh hindi na." Sabay mosyon ng kamay ko. Si Mio naman nagseselos na sa harapan ko.
"Sayang naman. Willing pa naman akong sasama sana sayo mamyang out ko." Napangiwi ako sa sinabi niya.
Lantaran kasi siya kung magpahayag sa akin na gusto niya ako eh may gusto nga sa kanya yung kaibigan ko.
"Ako Donna, gusto kitang i-takeout." Nakangiting singit ni Mio.
"Tse!" Pagsusungit niya. "Di kita kinakausap!" Saka nagbaling kay Obet. Kakamot kamot na lang si Mio. "Ikaw kalbo anong order mo?"
Lihim akong natawa sa itinawag niya kay Wally este kay Obet pala. Ang kinis kasi ng kalbong ulo niya.
"Ang taray mo naman sa akin Donna." Komento naman ni Obet. "Menudo na din sa akin saka dalawang half rice."
"Dalawang half rice?" Maang na ulit ko naman sa sinabi niya.
"Oo." Sagot niya. "Diet ako ngayon eh."
Binatukan naman siya ni Mio. "Diet ka pero dalawang half rice?!"
"Aray kung makabatok ka sa akin ha?!" Ganti naman nung isa habang nakahawak sa ulo.
"Tama na nga yan." Saway ko sa kanilang dalawa. "Mio sabihin mo na yung order mo ng makakain na tayo."
BINABASA MO ANG
Royal Blood Series - Heiress
RomansaBlaire Arevalo, the heiress of one of the multi-billionaire businessman in the country. A seductive heiress, to be exact. She is rich, smart, alluring and one hell gorgeous young lady. She's one of the most sought after bachelorette. Sasabihin at ga...