Prologue
“Mike, punta naman tayo ng Makati tomorrow, please. Kunin ko yung pinadala ni mommy sa condo ni auntie.” Tanong sakin ni Gel nung naglunch kami sa SM.
Gusto ko sana talagang sumama, kaso may laro kami bukas.
“May laro ako bukas diba?” sagot ko.
“Yeah, pero morning naman yun eh.” Tumahimik sya sandali, tapos nagsalita ulit, “Or ngayon na lang kaya?”
“Gel, may training ako. Pasensya, kailangan mo na ba talaga yun?” Tanong ko na nagaalala. Syempre, gusto ko naman talaga syang samahan, kaso hindi ako pwedeng hindi lumaban bukas.
“Oo, kailangan ko yun sa play namin sa Tuesday, sige na please.” Sabi nyang papilit.
“Tuesday pa naman pala eh. Sorry talaga, bawi nalang ako sayo next time. Kuha ka nalang ng taxi tutal malapit lang naman eh.” Nagsuggest nalang ako.
“Ngayon na nga lang ako hihingi ng favor sayo.”
“Sorry Gel, swear kung wala akong laro bukas sasamahan talaga kita. Alam mo naman kung gaano kaimportante sakin yung laban ko diba?”
Bigla nalang syang nanahimik. Tapos yun na yun, tumayo sya at nagwalk out.
Maaring yung araw na yun ang pinakamasayang araw saming dalawa kung hindi ko iisipin ang nangyayari ngayon. Maaring yun din ang pinakamasaklap na away namin na nagbuklod samin, yung away na nagbigay ng meaning sa buhay namin, pero yun din ang away na nakapagpahiwalay saming dalawa.
CHAPTER 1
****
“Ate, kwek kwek nga po.” Nakatayo sa harap ng mangfifishball yung babae na maputi at mahaba ang buhok kasama ng mga kaibigan nya. “Kayo? Ano gusto nyo?”
Maganda ang araw ngayon. Hindi masyadong matarik kaya hindi maalinsangan.
“Tara, try natin yung one day old… ano ba yun? Chicken? Chick? Ano nga ulit yun?” tanong nung isang kulot habang tinititigan yung kumukulong mantika.
“Tange, chick yun! Parang ako!” Sagot nung bakla nilang kasama sabay hila ng compact mirror nya sa bulsa.
“Maka-tange naman to parang anlaki ng kasalanan ko, sorry na madam.” Sabi ni kulot at tinuro nya nalang yung fishball na maluluto na.
“Ate, magkano po lahat?” Binilang nung babae ulit lahat ng mga inorder ng kaibigan nya at nagtanong habang may hawak na bente sa kamay.
“Kinse lang,” sagot ng tindera at kinuha ang bente.
Kinuha ko yung sukling limang piso pagkaabot ni Ate. Bigla ko nalang napansin na nakaabang sya so parang nagtaka ako. Alam ko akin yun kasi kanina pa kami nagbayad at halos lahat na ata ng nasa menu ni ate, fishball, kwek kwek, kikiaam, lahat nakain na naming.
“Sukli ko yan ah.” Sabi nya na pagalit.
Tinignan ko sya tapos yung limang piso sa palad ko. Yun naman talaga yung sukli ng singkwenta pesos na pera ko kaya nagtataka ako.
“Teka miss , akin to. Limang piso sukli ko.” Sagot ko.
Grabe yung mukha nya! Parang sasabog. Napakawar freak naman nitong babaeng to, sa isip isip ko.

BINABASA MO ANG
Liempo ( A story of Rival Colleges)
RomanceSi Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estudyante sa ibang university. Dahil sa kwek-kwek at liempo, nagkrus ang mga landas nila na nagbunga ng isang nakakatawa, nakakainis at nakakak...