EPILOGUE

2K 47 39
  • Dedicated kay Liempo Readers
                                    

NOTE: First, i would like to apologize, nagkaron bigla ng emergency. But still, i think God's will siguro na hindi ko maipost ang epilogue within 17th.  =))) 

Key reminders: it would be better if before you read this last part, search nyo na sa youtube and song na "Walang Iba" by Ezra or if meron man kayo sa phones, mp3s, iready nyo na. 

So that's it. everything ends here and for this, i bid my final farewell for Liempo. Thank you. :)

************************************************************************************************************

Epilogue

 

                “Game!” sigaw ni Denise habang hawak yung camera.

                “Wait lang, yung buhok ko, nasira!” sabi ko habang ibinabalik yung hairpin na natanggal.

                “Akin na nga.” Kinuha ni Jerich yung hairpin tas nagbend ako para mailagay nya ng maayos.

                Infairness, ang init ng toga, promise. Gusto ko na sanang tanggalin kaso ayaw pa ni mama, kailangan daw may family picture kaming nakaganito ako.

                “dali!” sigaw ni mama. “Pa, tara.”

                Tumabi na saakin si papa, si mama at si Ariane.

                “Yan oh.” Naayos na din ni Jerich yung buhok ko.

                “Game, one...two...”

                Sabay click ng camera.

                “Isa pa.” Tawag ni Denise.

                “One...two...”

                Nagclick ulit.

                Tinignan namin sa digicam, ayos naman ang kuha. Ang laki na din ng tinaba ko since last year. Si Ariane, mas lumaki pa lalo. Napangiti nalang ako, isa’t kalahating taon na din ang nakakalipas simula ng operahan ako, mas malakas na ako ngayon at magaling na. Although nag fifth year ako ng isang sem at hindi nakasabay sa graduation nila Denise at Jerich, masaya ako na nandito pa din sila sa tabi ko. Antagal din akong naghintay bago makapagmartsa sa stage, paano, di na uso sa school ang pagmamarch kapag Octoberian graduate, pero ayos lang, pagkatapos ko naman, nakakuha na ako agad ng trabaho sa isang sikat na TV Station. Yung org ko, pagkatapos ng taon last year, nagreelect na ng bagong president, nagging adviser nalang din nila ako. Hindi naman kasing pwedeng isang sem lang ako manungkulan. Nakakuha pa ako ng leadership recognition na certificate, ang bongga lang talaga.

                “Ate Angelie!” may lumapit saakin na lower year level.

                Si Patricia at Janine, mga committee members ko sila dati.

                “Oh, andito kayo?” tanong ko sa kanila.

                “Congratulations po.” Sabay nilang bati. “Pwede po ba magpapicture?”

                Natuwa naman ako. Matagal tagal na din yung pinagsamahan naming. Iniabot ko kay jerich yung camera at sya na ang kumuha ng picture namin. Pagkatapos, niyakap ko silang dalawa.

                “Mamimiss ka namin ate.” Sabi nila.

                “Awww. Kayo din, mamimiss ko. Basta, if may kailangan kayo, pm nyo lang ako sa facebook.” Sagot ko.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon