Chapter 43

1.2K 11 3
  • Dedicated kay to the person who broke her heart. thanks for being the inspiration.
                                    

NOTE:  yung previous chapter, sadya talagang bitin yun. Para wala lang, haha. to keep you guys hanging but since it was my birthday, here's a two day special update. Char! Haha. ayan, pinagsunod ko po ang dalawang chapters and yung susunod na update, next week nalang. 

ENJOY! :)

****

                Hindi ko alam gagawin ko. Hindi ko alam isasagot ko. Hindi ko alam anong irereact ko. Halos ilang inches lang yung namamagitan saaming dalawa.

                “Okay na, wag nyo ng bayaran.” Sabi nya.

                “Mike?” narinig kong sabay na sabi ni Denise at Jerich.

                Ngumiti sya.

                “Ate, pakibalik po yung bayad nya, ito po yung bayad namin.” Nilapag ko yung thirty pesos sa may malapit sa kalan.

                Hinatak ko yung dalawa paalis sa may fishbolan.

                “Uy, Angelie.” Tinawag ako ni Mike.

                Hindi ako lumingon.

                “Angelie!”

                Hindi pa din ako lumingon.

                “Angelie naman!”

                “BAKIT?” Napalakas yung sagot ko.

                “Peace na tayo?” sabi nya na nakangiti.

                GAGO KA BA? Grabe. Peace na tayo? Ano ako? Laruan? Pagkatapos nya akong iwan, saktan, sasabihin nya peace na kami? Putangina lang! Peace-peacin nya yang mukha nya!

                Nagpatuloy ako sa paglalakad.

                “Angelie.” Hinabol nya pa din ako.

                Hindi ko sya pinansin. Binilisan ko yung lakad. Nakikita ko na yung mga ibang tao, nakatingin na saamin, mga chismosa nga naman. Nararamdaman ko yung bilis ng tibok ng puso ko, halos lalabas na sa dibdib ko, yung init sa batok ko, pumupunta na sa mukha ko at nanginginig na yung buong katawan ko.

                Hinawakan nya ako sa braso. Natigilan ako.

                Inalis nya agad yung kamay nya.

                “Magusap naman tayo.” Sabi nya.

                Di ko sya magawang tignan sa mata. Di ko pa kaya. Ano bang ibig sabihin nito? Baka naman nananaginip lang ako.

                “Anong gusto mo pagusapan?” firm yung boses ko, pero halos di ko na margining yung sariling tinig ko.

                “Tayo. Bati na tayo? Friends na ulit tayo, sige na.” Sabi nya, may halong biro yung tono.

                Di ako umimik.

                “O kaya magkaaway na ulit tayo?” hirit nya. sinong niloloko nya?

                “Di na tayo magkakilala.” Mabilis na sabi ko sabay alis.

                Di ko kakayanin to. Kinuha ko agad yung cellphone ko sabay dial sa number ni Alfred. Dalawang ring lang, sumagot na sya agad.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon