****
Hindi ko alam saan ako papunta, basta sumakay lang ako, gusto ko lang lumayo. Sakto naman na yung nasakyan kong jeep, pabalik na din sa school. Kailangan ko ng makakausap, hindi ko na talaga kaya, sasabog na ako. Nilabas ko yung phone ko at nagdial ng number. Mga tatlong rings lang, sinagot agad.
“Alfred.”
“Angelie!” pasigaw sya na sumagot pagkarinig nya ng boses ko, “Anong nangyari sayo?”
“Alfred nandito ka ba sa school?”
“Nasa SC office ako, nasan ka?”
“Sa field.”
Binaba ko na din agad yung phone. Iyak nalang ako ng iyak, hindi ko na kasi talaga kaya, punong puno na yung loob ko, sasabog na ako. Andami ng hinanakita sa puso ko, parang hindi na ako makahinga, sumisikip yung dibdib ko. Maya maya ng onti, dumating na si Alfred, pagkakita ko sa kanya, napayakap nalang ako. Hindi ko na kasi alam anong dapat isipin ko. Wala ng matino na pumapasok sa utak ko, lahat negatives, lahat masasakit at kahit paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na si Mike lang paniniwalaan ko, mahirap eh. Ang hirap sobra.
“Angelie anong nangyari?” nakayakap lang sya sakin.
“Alfred hindi ko na kaya, ayoko na, gusto ko ng sumuko.” Patuloy ako sa pagiyak, “Tama na, hindi ko na alam anong tama sa mali, hindi ko na alam kung alin yung totoo at alin yung kasinungalingan.”
“Si Mike nanaman ba to?”
“Oo. Sya, sya naman lagi eh. Sya naman laging may kasalanan. Alfred pinipilit kong maging understanding, sinasamantala naman nya yung pagiging mabait ko.”
“Ano ba talagang nangyari?”
Pinilit kong ayusin yung pananalita ko kaso nilalamon ng luha yung boses ko. Singhot ako ng singhot, sumisinghal, humihikbi tapos waterfalls yung luha ko.
“Bigla nalang nagiba yung trato nya sakin the past two weeks. Oo, alam ko busy sya, oo alam ko finals nila, alam ko gragraduate na sya, madami syang ginagawa, madaming kailangan asikasuhin pero ano ba naman yung magtext lang na goodmorning or goodnight? Wala Alfred, kahit isa.”
“Baka naman kasi talaga busy yung tao…”
“Nandun na ako eh, naiintindihan ko na yun. Iniintindi ko naman kahit na nadidisregard nya na ako, kaso nung isang gabi kasi eh.”
“anong nangyari nung isang gabi?”
“Alfred, may ginawa syang hindi ko alam! Ginago nya ako pero pinilit ko pa ding intindihin!”
AYAN NA. humahagulgol nanaman ako, napapasigaw na ako, malat na yung lalamunan ko.
“Ha? Ano yun?”
“Alfred may nagsend sakin ng email na picture nila nung Ruth naghahalikan!”
Wala na, ito na. nanginginig na yung mga laman ko, hindi na ako makakita ng malinaw sa sobrang iyak. Yung puso ko, parang pinipihit, pinipiga, sinasaksak. Ang sakit sakit, sobra. Nung sinubukan ko tignan si Alfred, obvious sa mata nya yung gulat.
“Baka naman edit lang o past photo?” nagrarason pa din sya, “Baka naninira lang yun kay Mike, alam mo naman na sikat sya diba?”
“ALFRED SI RUTH YUNG KAHALIKAN NYA! KAILAN NYA LANG NAKILALA SI RUTH, LAST MONTH LANG? ANO YUN MAGKAKILALA NA SILA DATI? ALFRED HINDI PAST PHOTO YUN!”
Naghihikahos na ako kakasalita, gusto ko nalang umiyak ng umiyak. Yung feeling na gusto mong ibalibag lahat ng gamit na makikita mo, sipain, suntukin yung pader iuntog yung sarili mo. Mas okay pa yun kaysa maramdaman yung ganitong sakit sa puso mo.
BINABASA MO ANG
Liempo ( A story of Rival Colleges)
Roman d'amourSi Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estudyante sa ibang university. Dahil sa kwek-kwek at liempo, nagkrus ang mga landas nila na nagbunga ng isang nakakatawa, nakakainis at nakakak...