Chapter 29

1.4K 12 6
  • Dedicated kay Roland Manaloto
                                    

****

                Hindi ko pa din mapigilang umiyak. Sa tuwing naalala ko, wala akong magawa kundi humagulgol nalang. Nabanggit ko na din kanila Denise at Jerich at pareho silang nagsasabi na niloloko nga ako ni Mike.

                “Adik sya, kala ko pa naman good boy, sira ulo din pala!” naghihimutok sa galit si Jerich habang naglulunch kami. “Kapal ng mukha akong itext.”

                Hindi kami sa liempuhan nananghalian. Natatakot ako na baka makita ko si Mike, hindi pa ako handang harapin sya ngayon. Siguro kung natalo sila sa laban kahapon, baka magdalawang isip ako na magreply sa kanya pero nanalo naman sya kaya wala munang sigurong dahilan na magreply ako tutal wala namang masyadong problema na dapat syang alalahanin maliban sa bwiset na away na to.

                “Tinetext nya din ako, pero hindi ako nagrereply.” Sabi ni Denise.

                Tahimik nalang akong nakikinig sa mga complains nila at pambababoy sa pangalan ng boyfriend ko. natatawa nalang ako kasi kung anu ano yung sinasabi nila, yung iba hindi na related. Andami kong iniisip. Gusto ko na din magbati kami, birthday nya na din next month, andaming plano sa utak ko, hindi ko naman alam if matutupad pa kasi natatabunan ng problema ngayon. Miss ko na sya, sobra, yung pangungulit nya, yung lambing nya, yung yakap nya, yung out of nowhere bigla nalang akong hahalikan, lahat yun namimiss ko na kaso mahirap para saakin to. Sana maisip nya kung gaano ako nasasaktan at nahihirapan sa sitwasyon namin.

Yung play namin sa Tuesday na, gusto ko syang imbitahan, pero hindi ko alam paano. Ano to? Ako ang nagwalk out ako yung makikipagayos? Aba, chicks naman nya, babae pa lalapit sa kanya? Ano ba dapat gawin ko?

Lahat na yata ng sense of reasoning ko ginamit ko na pero naguguluhan pa din ako. sa isang relasyon hindi ba dapat pareho lang? dapat fair? Pantay? Ako ba ang nagkamali? Nasaktan ako kaya lang naman ako ganito eh, natural lang naman na reaksyon to. Dapat ba inintindi ko sya? Ano pa dapat intindihin ko eh napakadaming pwedeng sabihin nung litrato na natanggap ko.

Ano ba naman Mike!? Bakit mo ko pinapaisip ng ganito. Nahihirapan na ako. Mas mahirap pa to kaysa Statistics eh. At least yun, may formula at alam mong may sagot, samantalang ito, hindi mo alam anong kahihinatnan, hindi mo alam anong mangyayari.

“Nireplayan mo na sya?” Tanong sakin ni Alfred nung uwian naming, kami nalang natira kasi yung dalawa nauna na.

Umiling lang ako. Eight na, late na din, dati rati, itetext ako ni Mike kung magsasabay kami o susunduin nya ako or kung hindi sya mamakapunta, magagalit yun, sasabihin na umuwi na ako agad at wag na daw ako magbus kasi delikado. Pero ngayon, hindi sya ang kasama ko, si Alfred. Buti nga nandito sya kundi hindi ko na alam anong gagawin ko.

“Gusto mo hatid na kita?” tanong nya.

“Nakakahiya naman, out of the way ako.” sagot ko.

“EDSA nalang daan natin para on the way.” Ngiti naman nya.

Natawa nalang ako. ayos din to eh. Kung out of the way, gagawing on the way. Buti nga dala nya sasakyan nya ngayon, kahit papano, tipid na din ako sa pamasahe. Medyo nagiipon din kasi ako para sa birthday ni Mike next month, gusto ko syang bigyan ng something na medyo mahal kasi napakadami nya na ding nagastos para saakin.

Lumabas na kami at pumunta sa parking kung saan nakapark yung  kotse nya. Buti nga walang traffic ngayon kaya mas mabilis ang byahe. Mga 45 minutes, nakauwi na ako agad. Wala naman kaming masyadong napagusapan sa sasakayan kundi puro yung play. Medyo nabibitter nga ako kasi itong si Alfred, puro facts at sinasabi tungkol sa Pride and Prejudice pero kung si Mike to, nako, puro lait at kalokohan lang sasabihin nun, lalo ko syang namimiss sa mga ganitong pagkakataon pero andito pa din sa puso ko yung galit.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon