****
Bati na kami. Tinignan ko sa facebook yung mga pictures na sinasabi sakin ni Gel, andun nga. Mga stolen shots. Tapos yung sinasabi nyang babae, si Ruth, yung isa si Sarah. Oo, si Sarah, may nakaraan kami pero Malabo yun, si Ruth, kaibigan lang turin ko sa kanya. Ang hirap ng ganito, mga pictures na hindi mo alam ano nga ba talaga ang totoo. Naiintidihan ko sya, naguilty din talaga ako. kaso sa sitwasyon ko, lalaki ako. wala namang kaso na may kasama akong mga babae dahil si Angelie lang naman talaga mahal ko pero sa part nya, hindi nya maiintindihan to.
Dahil nagging successful sya sa event na ginawa nila, lumabas kami para magcelebrate. Medyo busy pa din pero ginawa namin lahat para magkaron ng time. Bumabawi na din ako kasi alam ko sa sarili ko na mali yung mga nagawa ko. hindi ko lang naman sinabi dahil ayokong magalit at magselos sya. Dati kasi nung kay Odette, hirap na hirap na akong amuhin sya, pano pa tong mga nangyari nung mga nakaraan na linggo?
“Magbihis ka bukas ha.” Sabi ko sa kanya nung hinatid ko sya Friday night.
“Bakit?”
“Punta tayo sa bahay.”
Natahimik sya na nakatingin sakin, gulat na gulat.
“Weh? Di nga?”
“Oo nga. Bihis ka.” Sabi ko.
Okay lang sana kung kanila mama at papa, kahit casual lang ng pantalon, okay na kaso andun pa din si lola na sobrang metikulosa.
“Andun lola mo?” tanong nya.
“Oo eh.”
Alam nya na yung ugali ni lola. Nakwekwento ko na din sa kanya, madalas nga, sa kanya ako naglalabas ng sama ng loob kapag nagaaway si papa at si lola tungkol sa mga dapat gawin sa business. Si papa kasi ang supplier ng leather sa isang malaking shoe factory sa Cebu, madalas import pa galing sa ibang bansa kaya mahal at medyo maganda din naman ang balik na kita.
“Mike, kinakabahan ako.” sabi nya.
“Ako din.”
Aray. Kahit kalian, automatic talaga tong kamay nya sakin. Makahampas nalang, parang hindi tao yung kasama. “Masakit ha. Palakas ng palakas yang hampas mo.”
“Kasi naman! Dapat icomfort mo ko, hindi yung sasabihin mo na ikaw din kinakabahan.”
“Eh kung sa kinakabahan din talaga ako.”
“Pamilya mo kaya yun!”
“Baka kasi anu ano agad itanong sakin, lalo na si lola.”
“Tulad ng?”
“Kung pakakasalan na kita.”
Gulat nanaman yung expression tapos Aruy, ayun nanaman, hampas ulit. Ano bang meron sa mga babae at napakahilig manghampas? Ano tingin nila saming mga lalaki? Punching bag? Porket di kami nakakalaban di ibig sabihin nun okay lang na hinahampas, hampas kami.
“Di nga? Tatanungin nya yun?”
“Oo. Napressure kaya yung boyfriend ni Ate nung unang punta sa bahay, pano ang tanong ni lola kung nagsex na sila ni Ate.”
![](https://img.wattpad.com/cover/1293206-288-k80637.jpg)
BINABASA MO ANG
Liempo ( A story of Rival Colleges)
RomanceSi Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estudyante sa ibang university. Dahil sa kwek-kwek at liempo, nagkrus ang mga landas nila na nagbunga ng isang nakakatawa, nakakainis at nakakak...