****
Minsan, nakakainis lang, di mo alam anong panahon. Kasi minsan, lalabas ka ng bahay na maaraw, uuwi ka ng basang basa dahil sa ulan, minsan naman todo jacket pa ako, tapos biglang sisikat naman yun araw.
Kaninang umaga, pagalis ko ng bahay, ang araw araw, ngayon hapon naman, parang bumabagyo na. Plano ko pa naman sanang puntahan sila Angelie ngayon, kaso parang kelangan ko ng umuwi dahil lumalakas na ang ulan.
“Pre, suspended na daw klase.” Sabi ng isa kong kaklase habang nagliligpit ng bag.
“Oo nga eh. Uwi ka na?”
“Ewan ko pa, baka puntahan ko girlfriend ko sa kanila.” Sagot nya.
“Sige pre, ingat nalang.”
Nakakamiss. Kung kasama ko lang sila Mattias at Ibe ngayon, baka sabay sabay kaming tatlo ngayon na naliligo sa ulan, kaso graduate na sila, malamang, naunahan naman nila ako kasi hindi may naibagsak ako.
“Hoy Rigs!” may tumawag sakin.
Paglingon ko, si Alvin nasa may pintuan.
“Di ka pa uuwi? Bumabagyo na oh.
“Uuwi na, daan lang ako sa locker, may andun jacket at payong ko eh.”
“Una na ko pre ah, sabay ako kanila coach para makalibre ng pamasahe.”
“Sige lang!”
Halos ako ang huling taong lumabas ng classroom.
“Bye Mike.” Sabi ng isa kong kaklaseng babae.
“Ingat!” sagot ko nalang.
Marami ng estudyante ang nakatipon sa may gate, palabas, ako dumiretso muna ako sa cubicle, nagpalit ng civilian tas sa quarters para kumuha ng jacket. Buti nga meron ako dun dahil sa bwiset na panahon na to.
“Oh, andito ka pa?” andun din pala si Luis.
“Hindii, wala ako ditto, multo ako.” Sagot ko na pabiro.
“Ulol!” sigaw nya sakin.
Tawa naman ako. Binuksan ko yung locker ko para kunin yung jacket at payong.
“Mike, nakita ko nga pala yung ex mo sa SM dati.” Bigla nyang sabi.
Napatingin ako sa kanya.
“Ex? Sino? Kelan?” di ko alam kung si Angelie yung tinutukoy nya oh iba.
“Si Angelie pre. Nangayayat sya ah, nagkita na ba kayo?”
Napaisip ako. Oo nga, hindi ko napansin, pero pumayat nga sya. Hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin dahil nakauniform naman sya at madalas maluwag yung uniform nya pero ngayong pinaalala ni Luis, parang pumayat nga yung hugis ng mukha nya.
“Ah, oo. Last week.”
“Wala lang, nabanggit ko lang.” Sabi nya sabay sara ng locker nya. “Paano, di ka pa ba uuwi?”
BINABASA MO ANG
Liempo ( A story of Rival Colleges)
RomanceSi Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estudyante sa ibang university. Dahil sa kwek-kwek at liempo, nagkrus ang mga landas nila na nagbunga ng isang nakakatawa, nakakainis at nakakak...