Chapter 26

1.4K 15 10
                                    

****

“Mike, punta naman tayo ng Makati tomorrow, please. Kunin ko yung pinadala ni mommy sa condo ni auntie.” Tanong sakin ni Gel nung naglunch kami sa SM.

Gusto ko sana talagang sumama, kaso may laro kami bukas.

“May laro ako bukas diba?” sagot ko.

“Yeah, pero morning naman yun eh.” Tumahimik sya sandali, tapos nagsalita ulit, “Or ngayon na lang kaya?”

“Gel, may training ako. Pasensya, kailangan mo na ba talaga yun?” Tanong ko na nagaalala. Syempre, gusto ko naman talaga syang samahan, kaso hindi ako pwedeng hindi lumaban bukas.

“Oo, kailangan ko yun sa play namin sa Tuesday, sige na please.” Sabin yang papilit.

“Tuesday pa naman pala eh. Sorry talaga, bawi nalang ako sayo next time. Kuha ka nalang ng taxi tutal malapit lang naman eh.” Nagsuggest nalang ako.

“Ngayon na nga lang ako hihingi ng favor sayo.”

“Sorry Gel, swear kung wala akong laro bukas sasamahan talaga kita. Alam mo naman kung gaano kaimportante sakin yung laban ko diba?”

Bigla nalang syang nanahimik. Tapos yun na yun, tumayo sya at nagwalk out. Anong problema nun? Sinundan ko sya tapos nung naabutan ko, hinila ko yung kamay nya.

“Angelie, ano nanaman bang problema?” tanong ko.

“Bahala ka sa buhay mo Mike. Sige, good luck nalang sa laban mo bukas!” sabi nya pagkahatak nya ng kamay nya mula sa hawak ko.

“Angelie, ano bang problema?”

Ano nanaman ba tong inaarte nya? Finals na bukas! FINALS NG PLAY-OFF! Bakit hindi nya maintindihan yun? Bakit nagiinarte nanaman sya? Ano nanaman bang ginawa kong mali? Parang lahat nalang ako ang may kasalanan, lahat nalang ako ang mali, sya nalang laging tama.

“ANGELIE ANO BA?” Napasigaw na ako kasi naiinis na ako.

Hindi ko na kasi sya maintindihan eh. Bigla bigla nalang aalis, ni hindi nya pa nga tapos yung kinakain nya tapos biglang tatayo at maglalakad palayo? Porket hindi lang napagbigyan yung gusto nya, magagalit na sya?

“Sige na Mike, may practice ka pa, ako nalang pupunta.” Ngayon malamig na sya.

“ANGELIE, ANO BANG PROBLEMA MO???” galit na talaga ako, nagmumukha na kasi akong tanga eh.

Hindi nya ako pinansin. Patuloy pa din sya sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa labas ng mall. Saan ba sya papunta?

“ANGELIE, WAG MO NAMAN AKONG PAPILIIN. ALAM MONG MAY LABAN AKO BUKAS, UMAYOS KA NGA!” hinahabol ko pa din sya pero ang bilis nya maglakad. “ANGELIE!!!!”

Ayaw tumigil. Tumakbo ako at hinarangan yung dinadaanan niya. Andami ng nakatingin samin, nakakahiya na. hinawakan ko sya sa braso.

“Ano nanaman ba to? Sabihin mo kasi, magsalita ka. Andami ng nakatingin satin, nakakahiya na.”

“Sa kanila nahihiya ka, sakin Mike? Nahiya ka ba?” yun ang sagot nya.

ANG LABO! Ano ba? Hindi ko na talaga alam.

“Ano nanaman bang pagiinarte yan Angelie?”

“Hindi ako nagiinarte Mike, baka ikaw, ikaw ang ummarte!”

“Ha?”

NAASAR NA AKO! tang inang buhay to oh. Para na akong gago kakatanong sa kanya, pinaiikot ikot nya lang ako. Tuloy tuloy na sya sa paglalakad, wala akong magawa, ayaw nya akong kausapin ng matino, sumakay sya ng jeep paalis, di ko na naabutan.

Puta lang talaga! ANO BA NANGYAYARI NGAYON? ANO NANAMAN BA KASALANAN KO AT BIGLA BIGLA NALANG SYANG MAGWAWALK OUT?

*********************************************************************************************

IF YOU LIKE THIS CHAPTER, PLEASE DONT HESITATE TO LEAVE A COMMENT AND VOTE! :)) THANK YOU FOR READING!

Note: Familiar ba tong scene na to sainyo? :))) If so, tell me what do you think and why bigla nalang nagalit si Angelie kay Mike. Fill in the messages guys! :) Thank you for reading and sana until the end, magkakasama pa din tayo!

And one more thing, haha, hindi ako si Angelie okay? :) Saka nyo nalang malalaman sino ang tunay na tauhan sa nobelang to. Kasi naman eh, stalk kayo ng stalk sa facebook ko, haha, wala kayong mahahanap na Mike dun okay? :)

xoxoxMara

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon