****
Nawala na yung antok ko. nakakapanghinayang naman, ako pa sumira sa araw namin ngayon. Puyat na puyat kasi ako, andaming masyadong ginagawa. Nagonline nalang muna ako para tumingin ng notifs for tomorrow night. Habang nagiiscroll ako sa newsfeed ko, may nakita akong familiar.
Kinlick ko yung picture sa newsfeeds, si Mike yun kasama yung mga kateam nya. Nacurious naman ako, walang mga pictures na ipinapakita sakin si Mike kapag may happenings sa kanila. Scroll lang ako ng scroll at hindi ko alam paano ako napadpad sa page na to, kasi pagkaclick ko sa susunod na photo, nakalink na sya sa isang page ng isa pang basketball player, kay Luis yata to. Akalain mo? Sikat na sikat pala tong mga kumag na to. Tinignan ko yung mga pictures, isa isa, nakaalbum pa tapos may nakita akong isang picture na naginit yung dugo ko.
Sa isang mahabang couch ng bar, bawat isa sa kanila, may katabing babae. Si Mike may kaakbay na babaeng maputi at maiksi yung buhok. Natigilan ako… Kailan to? Bakit nasa bar to? Bakit hindi ko alam to? Yung ibang parties na sabi nya pupuntahan nya, either sa bahay o sa mga restaurant, yung kay Alvin lang yung alam ko na sa bar, bakit hindi ko alam to? Tinignan ko yung date, walang date pero may month, last month pa! Bigla akong naginit. Tumingin ako sa ibang public profile ng mga kateam nya, meron nanaman akong nakita, sa round table, andun ulit yung babae sa likod nya, nakangiti na parang gaga. NAIIRITA NA TALAGA AKO. sino sya? Bakit hindi ko sya kilala? Next ako ng next, iba iba na yung mga lugar pero puro inuman, may isa naman puro fireworks yung background. Tapos may ibang babae nanaman nahawak sya sa likod habang may hawak silang wine glass, parehong nakangiti sa camera. SINO SILA? Biglang bumalik sakin yung alaala nung Odette na parang linta sa school nila. Nangigigil ako, gusto kong tawagan si Mike at sigawan sya, alamin kung sino sila.
Sabi nya sakanya lang daw ako magtitiwala, maraming makikialam, maraming manghihimasok. Pinilit kong alalalahanin yung mga sinabi nya. Sayo lang ako magtitiwala, sayo lang ako magtitiwala. Paulit ulit kong sinasabi sa utak ko. pero nung nakita ko yung mga pictures na yun, hindi ko alam kung sino ba talaga yung pagkakatiwalaan ko.
Bzzz… Bzzz…
From: Mike +63917*******
Nakauwi na ako Gel, sleep ka na ha? Antok na din ako, maaga pa tom.
Me: ge, nyt.
Matipid lang ako nagtext. Baka mamaya ano pang masabi ko sa sobrang inis ko.
From: Mike +63917*******
Goodnight, I love you.
I love yuhin mo mukha mo gago! Isip isip ko. naiinis talaga ako. sa sobrang inis ko, humiga nalang ako at nilubog sa unan yung mukha ko at nagsisisigaw. Bakit hindi ko alam yung mga yun? Akala ko ba hindi sya mambababae? Akala ko ba ako lang? akala ko ba hindi sya tulad ng iba? Akala ko ba iba ka Mike? Bakit ganito? Sino yung mga babaeng yun? Bakit hindi mo sinasabi sakin? Anong ibig sabihin ng mga pictures na yun? Hindi ko na namalayan na naiiyak na pala ako. Sabi ko na kasi eh. Hindi dapat ako magmamahal, dapat hindi nalang ako nagmahal. Ang sakit. Parang pinipisa yung puso ko sa sobrang galit, nangigigil ako, gusto ko manghampas ng tao, gusto kong manigaw, gusto kong mangaway. Bakit ganito? Bakit ang sakit?
![](https://img.wattpad.com/cover/1293206-288-k80637.jpg)
BINABASA MO ANG
Liempo ( A story of Rival Colleges)
RomanceSi Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estudyante sa ibang university. Dahil sa kwek-kwek at liempo, nagkrus ang mga landas nila na nagbunga ng isang nakakatawa, nakakainis at nakakak...