****
Pagod na pagod kaming bumyahe. Nahuli pa nga kami kasi may laban pa. ilang araw na din akong walang pahinga, dahil sa ginawa ni Mattias, masyado akong nairita nung mga sumunod na araw, hindi ko muna nakausap si Michelle kasi gusto kong magisip isip at itong seminar na to ay magiging distraction ko. Nahawa na ata ako kay Angelie, nagging adik sa pagiging busy.
Tagal ng byahe, walong oras, nakatulog na ako sa van, si Luis na kasama ko, ang bigat bigat pa ng ulo dahil nakapatong saamin. Ang lakas ng ulan, halos magzero visibility kami habang bumabyahe, may bagyo pa yatang paparating.
“Andito na tayo.” Sabi ng coach chairperson namin. “Baba na.”
Bad trip. Ang lamig, sinisipon pa ata ako kaya kinuha ko agad yung jacket ko sa bag. Ngayon lang ako nagging ganito kapagod, halos wala din akong tulog kasi hinabol ko pa yung mga huling oras ko sa OJT. Gusto ko ng grumaduate ngayong October, ayoko ng magtagal pa, kung papalarin yung petition ni papa, baka by next year makaalis na din kami.
Sa may Roxas hall kami tumuloy, ayos nga eh, mas bago kaysa dun sa iba na luma na. Si Luis parang sira ulo na picture ng picture, nang gagago pa ng ibang mga estudyante na makakasalubong nya, feeling gwapo. Pagdating sa quarters, pito lang kami kasama pa yung moderator. Iisa nga lang ang banyo eh, pangasar lang.
“Six oclock assembly mamayang gabi, sa Benitez, don’t be late.” Sabi ng moderator saka kami hinayaan na mag gala.
Alas singko na, paano pa kami gagala nito eh isang oras nalang.
“Kyra, tara, labas tayo.” Tawag ni Luis kay Kyra.
Si Kyra ay isa sa pinakabatang representative namin, sya ang second year rep ng buong school. Dalawa lang silang babae na kasama, si Kyra at Alex, si Alex naman third year na pero sa kabila sumasama si Alex kasi bale kaming anim na estudyante, nahahati sa dalawang grupo. Ako, si Luis, si Kyra at si Aaron samantalang yung mga third year sa kabila ay sila Alex, Tim at Jeff.
“Kuya sabi ni ma’am wag daw tayo lalayo.”
“Yaan mo lang sya, di naman tayo mawawala eh.”
“Pare, biniB-I mo yung bata!” tawa ko.
“Gago, tinuturuan ko lang paano nya ineenjoy yung mga ganitong pagkakataon.”
Umusad na kaming apat sa paglalakad, si Luis may dala ng camera, si Aaron tahimik naman pero fourth year na sya, kami lang ni Luis senior ditto kasi fifth year na kami, nakakatawa nga eh, makarespeto nalang yung iba kala mo bang tatanda na namin. Paikot ikot lang kami sa camp, andaming pakalat kalat nan estudyante galing sa iba ibang school.
“Tara pare, hanap tayo ng chicks.” Sabi ni Luis.
“Gago, may bata dito.”
“Okay lang yan diba Kyra?”
“Opo.”
“Wag ka na magpo, saka tanggalin mo na din yung kuya ah.”
“Oo nga, para pantay pantay lang tayo ditto.” Sang ayon ko naman.
BINABASA MO ANG
Liempo ( A story of Rival Colleges)
RomantizmSi Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estudyante sa ibang university. Dahil sa kwek-kwek at liempo, nagkrus ang mga landas nila na nagbunga ng isang nakakatawa, nakakainis at nakakak...