Chapter 52

1K 9 0
  • Dedicated kay Franklin Amoncio
                                    

****

                Kararating lang ni papa galing Florida kahapon kaya as usual, kakain nanaman sa labas. Yung Innova yung nilabas namin ngayon, madalas medyo nakokornihan ako kapag kakain kaming tatlo sa labas pero ngayon, mas okay kasi kasama namin si tita Evelyn saka si Janelle, yung tita at pinsan ko na galing ding Florida.

                “Now where?” tanong nya.

                Ito lang nakakairita ditto kay Janelle, since napunta ng ibang bansa, nagging masyado ng sensitive.

                “Lalabas daw tayo sabi ng uncle mo.” Sagot ng mama nya.

                Nasa may pinto lang ako, nagaantay, di ko syang trip kausapin kahit na paulit ulit akong kinukulit ni mama na ientertatin yung pinsan ko. Pano ba naman, kapag kakausapin mo, walang ibang bukang bibig kundi Philippines hasn’t change a thing, people are still stupid. PUTA. Stupidin nya mukha nya. Mga taong nakatikim lang ng snow, ng bumalik sa pinagmulan, parang di na nakakaalala.

                “Mom, Mike’s as grumpy as ever!” complain nya nung nakatingin ako sa kanya ng masama.

                Kairita, napakaimmature.

                “Janelle, hindi ka matahimik.” Nagalit na mama nya.

                Ayun, sa wakas, natahimik din yung chaka doll. Maya maya ng onti, bumaba na din sila mama at papa.

                “Tara?” Yaya ni mama.

                Pumasok na si papa sa kotse saka sumunod yung iba, ako nagaantay na agad, pumwesto na ako sa pinakalikod.

                “Mike, what’s wrong? Why aren’t you talking to Janelle?”

                “Pa naman, ang sakit sa tenga ng boses nya. Kanina pa complain ng complain.”

                “She’s just 16 Mike, hayaan mo na, besides, minsan lang kayo in five years na magkikita.”

                Hindi na ako nakipagargue, wala din namang patutunguhan to. Sinaksak ko sa tenga ko yung Ipod ko saka nilagay sa maximum volume. Si mama sa harap tapos sa gitna naman sila tita at Janelle. Nilagay ko yung shades ko at natulog. Di ko namalayan, may yumuyugyog na sa binti ko. Anak ng teteng naman oh.

                Tinanggal ko yung isa kong headset.

                “Michael!” yung tiyanak, ngumangawa nanaman.

                “Ano?” sagot ko.

                “You won your basketball?”

                GIGISINGIN NYA KO PARA LANG DITO? Di ako sumagot.

                “No seriously, you won? I saw your photo in yahoo!”

                Di ako kumibo.

                “Janelle, they just had their championship last week and yes, they won.” Sagot ni mama para sakin.

                Ibinalik ko yung headset ko pero rinig na rinig ko yung sigaw nya.

                “OMIGOD! So we’re celebrating! This is so awesome, you’re like a celebrity or something and you’re my cousin!”

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon