****
Sembreak, walang masyadong ginagawa pero busy ako pabalik balik pa din sa school. Incoming fourth year na kasi kaya mas busy, they’re preparing you for what’s to come sa susunod na school year.
Binigyan ko na din ng head’s up si Mike na medyo magiging madalas ang pagsasama namin ni Alfred. Org stuff naman kasi eh, una hesitant pa sya, bombahin ko ba naman ng mega bunganga ko? HAHA. Yun, napapayag ko na din sya. Pero may conditions, susunduin nya pa din ako paguwi.
Wednesday ng hapon, nasa bahay sila Denise at Jerich, wala trip lang nila. Nakahiga yung dalawa sa kama ko samantalang ako, nasa sahig.
“FRIEND, TIGNAN MO TO!!!” bigla nalang bumangon si Jerich sa kama.
Pinakita nya sakin yung twitter nya sa IPAD. Sya na meron! Sila na ni Denise big time! Naka blackberry naman si Denise, ako Samsung Corby2 lang.
“Oh? Ano meron?” tanong ko.
“Friend, ito oh!” pinagdiinan nya yung mga tweets na tinuturo nya.
JaimyyMimi @JaimiersMimi
@MikeRigs got a new girlfriend?
ElinaSage @elinasage
@MikeRigs who’s the girl you’re with?
MarizSantos @nastymariz
@MikeRigs saw you yesterday with a girl, who’s she?
Isabelle Sherwin Paolo @IssaPaolo
@MikeRigs @JaimyMimi yeah, who’s she? Saw her at the game too.
Hindi lang yun, napakadami pang mentions sa kanya na finofollow din ni Jerich. Mga pep kasi yung iba and yung Mariz, alam ko nanalo bilang Ms.2012 yun sa school last pageant. Wala akong masyadong follower, in fact 121 lang finofollow ko at madalas dun, puro follow backs lang. hindi din naman ako masyadong active sa twitter pero nakafollow syempre sakin ang boyfriend ko. ang good thing ditto, nakaprivate yung twitter ko. sa kanya kasi, public eh.
Hindi natahimik tong si Jerich, tinignan yung fanpage ni Mike at hayun, inuulan ng issue.
Sino ang bagong girlfiend ni Mike Riguerra?
Meron na po bang girlfriend si Kuya Mike?
Sino yung kasama ni Kuya Mike kahapon sa SM?
Mikesters, announcement, our beloved Mike had found love. <3
Ano ba yan. May stolen picture pa kami na naglalakad nakatalikod magkahawak yung kamay. Sino ba yung sinagot ko? Artista ba sya? Ordinary student lang naman sya ah. Si denise, nagtititingin na din ng mga ibang intruiging issues about samin at nakakita sya ng isang album na puro stolen shots naming at isang picture na pamilyar na pamilyar saakin. Yung picture namin sa Batangas. Paano nakalabas yun? May nakita pa ulit si Jerich na isang bagong page ni Mike na may picture din naming dalawa. Tinawagan ko agad si Mike.
BINABASA MO ANG
Liempo ( A story of Rival Colleges)
DragosteSi Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estudyante sa ibang university. Dahil sa kwek-kwek at liempo, nagkrus ang mga landas nila na nagbunga ng isang nakakatawa, nakakainis at nakakak...