****
Sabi ko na eh. Gisado nanaman ako. Monday, di mapakali yung dalawa hanggat di nila nalalaman lahat ng pinagusapan namin ni Mike sa taxi. Ayaw maniwala na halos walang nagsasalita samin. Sinasabi ko na ngang pagod yung tao kaya di na ganun kadaldal pero ayaw pa din. Grabe, sino ba kaibigan nila, ako o si Mike?
Napapadalas na din ang pagreply k okay Mike kasi parang feeling ko may atraso pa din ako pero sa totoo lang, masarap syang kausap. Minsan nga nagtetext sya kahit nasa klase, parang tanga lang. Basta lagi yun, pagkagising nya, nagoo-goodmorning sya tapos lunch time, bago malpractice, after tapos kapag pauwi na sya at bago matulog. Hindi na muna kami nagsasabay. Bukod sa walang masyadong activity this week, midterms pa kaya medyo stress free ang mga org.
Thursday, after a week nung pagkikita namin, nagtext si Mike.
From Mike: +63917*******
Uwi ka na?
Me: Oo. Maaga uwian ngayon.
From Mike: +63917*******
Sabay na tayo. :)
Me: wala kang training?
From Mike: +63917*******
Para sayo, wala na.
Me: Seryoso ako. :/
From Mike: +63917*******
Haha. Joke lang. Off namin ngayon, may sakit si coach.
Me: San ka na ba?
From Mike: +63917*******
Sa likod mo.
Tumalikod ako, wala naman sya. Loko pala to eh. Tapos pagharap ko, nagulat nalang ako kasi nakatayo na sya dun. Bakit hindi ko sya nakita?
“Masyado kang focused sa katext mo ah.” Biro nya.
“Gaano ka pa katagal dyan?” tanong ko.
“Ngayon lang.”
“Nakita mo kong palabas ng gate?”
“Oo.” Yun nanaman yung ngiting pang commercial nya! Nakakainis!
“Tara na?” yaya nya.
“Lrt o Bus?” tanong ko.
“Ikaw? Ano ba trip mo?” peste to ah, binalik sakin yun tanong ko. Sinimangutan ko sya. “Ganito na lang. heads kapag bus, tail kapag lrt.”
Naglabas sya ng piso at nagtoss sa ere. Para syang tanga, pwede namang magdecide nalang, may patoss toss coin pa syang nalalaman. Sinalo nya yung piso at tinakpan ng palad nya.
“Ano sa tingin mo?
Umiling lang ako.
Pabukas nya ng kamay nya, heads. Ibig sabihin bus kami. Oh shet, matagal ko syang makakasama.
“Bus?” tanong ko.
“Oo.” Nakangiti sya ako nakasimangot! Obvious bang ayaw ko?
“Tara na!” sabi nya at nagsimula ng maglakad. “Kumain ka na?”
BINABASA MO ANG
Liempo ( A story of Rival Colleges)
RomansaSi Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estudyante sa ibang university. Dahil sa kwek-kwek at liempo, nagkrus ang mga landas nila na nagbunga ng isang nakakatawa, nakakainis at nakakak...