Chapter 19

1.6K 13 1
                                    

****

                Kapag nagmahal ka, hindi mo alam kung kalian, hindi mo alam kung saan, hindi mo alam kung paano at lalong lalo na hindi mo alam kung sino. Pero isa lang masasabi ko, kapag nagmahal ka, magmahal ka ng totoo, walang kapalit na kahit ano kasi hindi ba yun naman talaga ang true love? Kung si Lord nga unconditional eh, pano pa tayo? Ako? Mahal ko si Mike. Hindi dahil dumami ang followers ko, o ang mga nagkacrush saakin, o ang haters ko or dahil nagkaron ako ng facebook page, mahal ko sya kasi sa lahat ng tao na nakilala ko, sa kanya lang tumibok yung puso ko na ganito. Sya lang yung labis na nakapagpasaya ng  mga araw ko na kahit halos puro away at kulitan kami. Hindi ba yun naman talaga ang tambalang Mike at Angelie? Away, bati?

                Bisperas ng pasko, nasa bahay lang kami. Uuwi si papa galling Canada kaya lahat Masaya. Pupunta din sa bahay yung iba naming kamag anak. Gusto ni mama na imbitahan si Mike kaso aakyat sila ng Baguio at dun magcecelebrate. Andun kasi ang ibang mga Riguerra. Medyo big time din tong kapreng to eh, kasi yung tatay nya may negosyo at business sa states. Ang mga Calli naman, sa side ng mommy nya, mga stable din at yung iba nasa U.K. ganun naman ata mga athletes eh, medyo mayayaman kasi ganun yung mga athletes sa school tsaka mga nababalitaan ko sa ibang universities.

                Nasa kwarto ako mga ten, sila mama at tita nagluluto sa baba. Si Papa, kasama ang mga tito at nagiinuman na. yung iba naman, hanep sa karaoke at nagkakantahan. Katext ko lang si Mike, malamig daw dun sobra, patay na yung aircon sa kwarto na tinutulugan nya, nanginginig pa din daw sya. Maya maya ng konti, tumawag.

                “Oh?”

                “Namiss na kita eh.” Sabi nya, shocks lang talaga.

                “Adik naman nito. Ba’t ka pa tumawag? Hindi ka ba hahanapin dyan?”

                “Hindi, mas importante ka, ikaw nga hinahanap mo na ako eh.”

                “Bwiset ka talaga.” Napapasmile ako. “Nasa kwarto ka ba ngayon?”

                “Oo. Lamig Gel. Yakapin mo nga ako.” ito nanaman po tayo, ang demanding na Mike Riguerra.

                “Ang layo layo ko eh.”

                “Imaginin ko na nga lang.” nagbuntong hininga sya.

                Tinawag ako ni mama sa baba.

                “Ui Mike, mamaya nalang, tawag na ako eh.”

                “Hawakan mo cellphone mo ha, basta tatawag ako ulit mamaya.”

                “Oo na, sige.”

                Ano ba yan. Nilagay ko sa bulsan ko yung phone ko at bumaba na. sabi lang pala ni mama makisama daw ako sa mga pinsan ko hindi yung nagkukulong ako sa kwarto. Si Ate Jana, chinichika ako tungkol kay Mike kasi aside sa nakadisplay sa facebook ko na in a relationship ako, kalat na din sa buong University belt na ako ang girlfriend ng sikat na Mike Riguerra. Ano daw feeling, ano daw treatment nya sakin, andami nyang tanong! Tinanong nga din kung nahalikan na ako ni Mike, hindi nalang ako sumagot. Samin na yun. Sa tuwing maalala ko, bumabaligtad yung tiyan ko sa sobrang kilig.

                Ilang minutes nalang before 12, yung mga bata samin, excited na sa mga medyas na nakasabit sa mga bintana sa taas, syempre lalagyan kasi ni Santa Claus –slash- mama at papa ng mga regalo. Dati nauuto din ako nyan, kaso mga kaklase ko, tinuruan ako na maginvestigate, hayun, natigil na ako sa pagsasabit ng medyas nung natuklasan ko. Nagtatambulan sila, sisigawan, nagcoucount down, daig pa ang new year sa ingay at nung mga twenty seconds nalang, nagring yung phone ko.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon