Chapter 37

1.3K 11 1
                                    

****

                Kumuha sila ng second opinions sa ibang doctor dala dala yung mga resulta ng exams ni Angelie pero sa tatlong doctor na pinangalingan nila, iisa lang ang sagot.

Kung ang ibang tao, kapag nalaman na may sakit sila, magmumukmok nalang sa isang sulok, iba si Angelie. Nagpakatatag sya. Hindi mo makikita na may sakit sya dahil lalo syang nagpaganda, lumakas kumain at nagkikilos. May mga pagkakataon na masusuka nalang sya kasi wala syang gana pero pipilitin nyang kumain para magkalaman. Hatid sundo ko na sya sa opisina, kahit man lang dun makatulong ako. Walang nakakaalam sa mga katrabaho nya na may sakit sya, gusto nya lang itago para hindi makaramdam ng awa mula sa ibang tao. Thursday, nalate ako ng sundo sa kanya, andun sya sa may lobby, kasama si Denise at iba nya pang kaOJT na naghihintay sa lobby.

“Anj.” Sabi ko habang naglalakad papasok, “Sorry, traffic.”

“Yieeeeee.” Tukso ng mga kasama nya.

“Tumigil nga kayo!” saway naman nito.

“Bakit kasi hindi mo na sagutin si Kuya Alfred?” Sabi nung isa nyang katabi na babae.

“Hindi naman ako nililigawan eh! Magkaibigan lang kami!”

“Dyan nagsimula lolo at lola ko.”

Natatawa ako sa kanila. Ano nga bang tingin nila saakin para kay Angelie?

“Bakit kasi ayaw mo kay Kuya Alfred, gwapo, matangakad, maputi,may kotse, mabait, aba Angelie, perfect nay an oh!”

Kinuha ko yung envelope na hawak ni Angelie habang patayo na sya sa kinauupuan nya.

“Ewan ko sainyo, andami nyong alam!” natatawa sya, “Tara na Denise.”

“Friend, una na kayo, aantayin ko ang aking inay, nagpapasama magpabili ng unan sa Landmark.”

“Susunduin ka?” tanong ko.

“Oo, on the way na din naman daw sya eh. Enjoy nalang kayong dalawa.”

“YIEEEEEEE.” Sabay sabay pa yung apat na kasama nila.

“SHUT UP!” tumatawa pa din si Angelie saka sabay na kami lumabas ng lobby.

Kung titignan mo sya, parang wala syang nararamdaman. Parang tumaba lang sa namamaga nyang leeg pero hindi naman obvious.

“Uy, sorry sa mga yun, hilig sa issue.”

“Okay lang, nakakatawa nga eh.”

“Oo nga pala, kumusta yung interview mo?”

Hindi nya pala nakalimutan. May interview ako kanina para sa trabaho, kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari, at tuwang tuwa naman sya kasi nga nakapasa ako. Ang nakakataba ng puso ay yung ibang aplikante tatawagan nalang daw, ako sinabihan na agad pagkatapos lang ng isang oras na pinaghintay ako.

“Aba, celebrate na yan!” yaya nya.

“Game ka ba?”

Tinignan nya ako ng masama. Ayaw nyang may umaalala na may sakit sya.

“I mean kasi baka mamaya ayaw mo nanaman kumain.”

“Okay lang yan, para sayo magpapakabundat ako!” hinatak nya yung kamay ko papalapit sa kotse.

Ang sarap sa pakiramdam na may taong ganito. Yung napakagaan kasama na tipong hindi mo kailangan mageffort para mapasaya sya kasi laging nakatawa. Kahit na alam ko na maraming nangyayari sa loob nya, yung makita syang nakangiti, masaya na ako.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon