****
Akala ko ba stage 1? Bakit kinichemo na ako? Andito nanaman ako, nakaratay na parang kawawang bata habang pinapasakan ng malaking karayom yung katawan ko diretso sa dugo. Ang sakit sobra. Hindi ko alam paano iindahin yung sakit. Halos di na ako makadilat sa sobrang sakit, kahit hawak lang ng kaunti sa balat ko, mahapdi. Si Alfred, nandun lang sa labas nanunuod, sabi nya, aantayin nya daw akong matapos ngayon, di ko na muna inisip anong pwede nyang pagkaabalahan dahil masyado akong busy sa paginda ng sakit ng katawan ko.
****
Hindi ko alam anong mararamdaman ko nung ibinalita saakin ng mama ni Angelie. Pwede daw maagapan yung pagkalat ng namamagang lymphs sa katawan nya. Yung pagasa na umusbong saakin, grabe pero nung narinig ko yung sumunod na balita, parang nanghina buo kong katawan.
“Mas inaadvice ng doctor nya na magundergo nalang daw ng operation para mapigilan yung pagkalat ng sakit. Mas pinili ko na din yun, sana suportahan nyo kong mga kaibigan nya.” Paliwanang ng mama nya.
“Paano po ba yung procedures?”
“Magtatagal daw ng dalawa hanggang tatlong linggo yun process, isang linggo na chemotheraphy at radiotheraphy saka sya isasalang sa pagtanggal ng mga lymphs. Isa hanggang dalawang linggo yung healing process.”
“Alam na po ba ni Angelie?”
“Hindi ko pa sinasabi, alam ko kasing aayaw sya. Masyado nyang iniisip na kaya nya pero tinatraydor naman na sya ng katawan nya.”
“Kakayanin po ba ng katawan nya?”
“Sabi naman ni doctor Simeon, kaya naman nya. Bata pa sya, malakas naman ang pagrespond nya sa gamot saka hindi pa naman ganun kalala pero napaaga ang paglabas ng mga sugat kaya aagapan na yung paglala. Alfred, wala nanaman ang papa ni Angelie, wala naman akong ibang maasahan.”
“Andito lang naman po kami tita, mahal namin si Angelie, hindi naman namin sya pababayaan at iiwan nalang ng basta.”
Tinignan ko si Angelie sa loob ng chemo room, hindi pa naman sya tulad nung iba na nakahiga na at halos lantang gulay na, nakaupo lang sya sa isang malaking couch at nakapikit habang may nakapasak na mga tubo sa kanya. Sembreak na. Halos wala na syang napasukan sa klase nya dahil sa pagkakasakit nya, antagal na din nya ditto sa loob ng ospital. Simula ng sinugod sya ni Mattias, di na sya nakalabas, siguro nakalabas lang pero lumipat kami ng ospital kasi nga ooperahan na sya. nagaalala din ako sa mama nya, sobrang laki na siguro ng bill nila.
****
Sinubukan kong tawagan si Angelie, walang sagot. Bumalik ako sa ospital kung saan ko sinugod si Angelie, wala na daw sya dun, nakalabas na daw kaya nakahinga ako ng malalim. Pakiramdam ko kasi parang may kasalanan ako, hindi ko naman masabi kay Mike dahil nakiusap saakin si Angelie na kahit anong mangyari, wag na wag ko sa kanyang sasabihin, magkunwari nalang daw ako na parang hindi kami nagkausap. Mahirap sa parte ko yun syempre, best friend ko si Mike eh pero ayoko naman makialam, saka nagkabati na daw sila ni Angelie, kung nagawa na syang patawarin ni Angelie, malamang magaling na talaga sya kaya hinayaan ko nalang.
Pupunta ako ngayon sa kanila, ang laki ata ng problema ni kupal.
![](https://img.wattpad.com/cover/1293206-288-k80637.jpg)
BINABASA MO ANG
Liempo ( A story of Rival Colleges)
RomanceSi Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estudyante sa ibang university. Dahil sa kwek-kwek at liempo, nagkrus ang mga landas nila na nagbunga ng isang nakakatawa, nakakainis at nakakak...