Chapter 16

1.7K 16 1
                                    

****

                Yung moment na nakayakap ako kay Mike, parang nawala lahat ng takot ko. Yung feeling na safe ka, walang mangyayaring masama sayo, yun yung naramdaman ko. Ako naman talaga may kasalanan bakit ako bigla nalang lumubog, akala ko naman kasi mababaw pa, hindi nya naman agad sinabi na lampas tao na yung lalim. Pero yung time na lumubog ako, hindi ako natakot dahil mamatay ako. iba eh, iba yung takot ko, parang iba, pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ako pababayaan ni Mike. Siguro nagpanic lang talaga ako kaya sobra nalang yung adrenaline rush sa dibdib ko. Oo, natakot ako na baka malunod ako pero sa split second na yun, natakot ako na baka iwanan ko sya?

                Parang ayoko na kumawala sa yakap nya. Parang mas gusto ko na dun magstay forever, iba talaga yung feeling kapag yakap yakap ka ng tao na gusto mo. You feel safe and secure. Nung hinalikan nya ako, lalo akong nacomfort. I didn’t know this is how it really feels, I like it and I feel really good about it. Pero kailangan ko ng kumawala, narinig ko kasing tinatawag na kami dun sa kabila.

                Nagrenta si Alfred ng Bangka at nagtour kami sa dagat. Merong parang station sa gitna para pwede kami dun magscuba diving. Habang nasa Bangka, sinigurado ni Mike na nakasecure yung life vest ko. natakot din siguro kanina yung loko. Buti nga sa kanya, may pakiss kiss pa kasing nalalaman eh. Nung nakarating kami sa may station, dala dalawa kaming nilubog habang suot suot yung diving suit. Syempre, si Mike yung kasama ko. Nararamdaman ko yung matinding hawak nya sakin, at ganun din naman ako. sabi nya, basta humawak lang ako, pagkakatiwalaan ko sya dun.

                I never knew na ganito pala talaga ang magiging first official out of town date namin ni Mike. First date namin dun sa TimeZone syempre tapos ito na yung sunod. Kakaiba, nakakatuwa, nakakainlove. Sumunod na sila Denise at Jerich na papicture pa din ng papicture. Siguro kung waterproof yung camera nya, malamang dinala nila yun sa ilalim ng dagat. Sumabay na din si Alfred sa kanila.

                Nakakaenjoy, nakabalik kami sa may cottage ng mga five na. Wala kaming ibang ginawa kundi magkulitan ng pagkulitan. Para pa kaming mga bata na gumagawa ng sand castle. Nung medyo napagod na ako, tinabihan ko na si Mike na nanunuod lang samin habang nakaupo sa iniwan naming nakalatag na banig.

                “Oi kapre.” Sabi ko pagkaupo.

                “Bakit dwende?” aba, adik to ah, kalian pa natutong sumagot?

                “Wala lang. Oh, nasan nanaman yung best friend mo?” nakita ko kasing nawawala nanaman si Alfred.

                “Kasama yung best friend mo.” Sagot naman nito.

                Nagtaka ako? Ha? Sinong bestfriend? Nung tinignan ko sila na iniwan kong gumagawa ng sand castle, si Jerich nalang naiwan magisa. Inikot ko yung tingin ko, andun sila sa may malapit sa cottage, nagkwekwentuhan.

                “Gel.”

                “Oh?”

                “Favor?”

                “Ano?”

                “Picture tayo.” Ngumiti sya.

                Yung totoo? Mike? Nababading ka na din at nagagaya ka sa mga kaibigan ko na adik sa picture? Tinignan ko sya ng nakataas kilay sabay humagalpak ng tawa.

                “Yung totoo?” HAHA! “Pati picture ipagpapaalam???”

                “First outing kasi natin to, wala pa tayong picture na magkasama.” Sabi nya.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon