****
“Kumusta?” tanong sakin ni Alfred nung nagkita kami sa school para ayusin yung form ko sa OJT.
“Okay naman, pagod.”
“Lagi naman diba?” natawa sya.
Natawa na din ako. Lalo kaming nagging mas close ni Alfred. Siguro dahil wala ng nagseselos. Masaya lang talaga ako na may taong tulad nya na handang tumulong kahit walang kapalit. May mga pagkakataon na iiyak pa din ako, nandyan sya para damayan ako. Halos isang buwan na ang nakakaraan at sa loob ng isang buwan na yun, para akong patay na bata. Iyak ng iyak sa gabi, nagtatrabaho sa umaga. Umiiyak sa gabi, ngumingiti sa araw, nagpapanggap na okay na ako.
Sino ba kasing nagsabi na medaling magmahal? Siguro ganito talaga yung nakatadhana para saakin. Hindi naman kasi yata talaga totoo yung happy ever after eh, sa fairy tales lang yun pero sa tunay na buhay, kahit na maging magasawa na kayo, napakadami pa ding problema. People come and go, but there are the ones who stay and they are the people you should treasure. Napakahirap ng proseso na to para saakin, pero kinakaya ko, paunti unti pero alam ko in time, makakamove on na din ako at yung memories ay nakaraan nalang. Kapag ikwekwento ko, magiging kwento nalang sya, wala ng emotions, wala ng bitter feelings.
Hindi ba ganito naman talaga ang realidad ng buhay? Napakadaming tulad ko. nabibigo sa pagibig. Aasa, pero iiwan, aasa pero lolokohin, aasa pero bibiguin. Kaya siguro binigay to ni God para matuto akong intindihin yung emotions ko.
Nagpasama ako kay Alfred sa simbahan ng school. Wala naman akong magiging ibang sandigan kundi ang Diyos. Andyan ang mga kaibigan ko para tulungan ako pero over all, si Lord pa din naman yung talagang tutulong saakin.
Sabay kaming lumuhod at nagdasal.
Lord, thank you po dahil hanggang ngayon, nagagawa ko pa ding ipagpatuloy yung buhay ko. Lord, alam nyo pong hirap na hirap ako, ang sakit sakit ng dibdib ko, hindi ko na alam anong paraan para mawala to but still, hindi nyo po ako pinabayaan. Pinadali nyo po ang paghahanap ko ng OJT, nagging maganda din naman po yung grades ko. Lord, tulungan nyo pong mawala na yung sakit sa puso ko kasi hirap na hirap na po talaga ako. minsan, iiyak nalang ako na parang gustong gusto ko na sumuko. Diba po hindi naman kayo magbibigay ng challenge na hindi ko kakayanin? Kahit hint lang po hinihingi ko para makamove on na talaga.
Lord bakit po ba ganun? Bakit kailangan pang mangako ng isang tao tapos hindi nya rin naman pala tutuparin tapos kapag nagaway, naghiwalay, ikaw pa yung lalabas na masama kasi hindi mo naintindihan? Bakit po kailangan laging maging masaya sa umpisa at malungkot sa dulo? Hindi po ba pwedeng masaya all the way? Lord, hindi ko po alam kung nasaan na yung puso ko ngayon, pakalat kalat nalang siguro dyan sa tabi tabi, durog na durog, sirang sira. Tulungan nyo po akong hanapin ulit yung puso ko at buuin. Kayo nalang po muna ang humawak, ayoko po muna na ibang tao ang mag may ari. Masyado po akong nasaktan.
Lord bakit hindi sapat ang love para maayos ang isang sitwasyon? Bakit kailangan may naiiwan? Bakit kailangan pang may nasasaktan? Hindi ba pwedeng happy ever after na? napakadami po naming naghahangad ng ganun pero marami saamin luhaan. Bakit kailangan pang magkaganito ang buhay? Bakit kailangan pang maghiwalay? Diba sabi po nila prayer can move mountains, nagdadasal naman po ako ah. Nagdadasal ako na sana forever na to kaso hindi yun yung nangyari.
Andami kong gustong sabihin sa Diyos. Hindi ako yung adik sa pagdadasal pero sa mga oras na ganito, wala ka na talagang ibang matatakbuhan kundi ang Diyos. Soon in time, magsasawa din ang mga kaibigan ko kakapakinig sa paulit ulit mong complains, tao din kasi sila, napapagod. Nahihiya na din naman ako kaya wala na talaga akong ibang pwedeng makausap kundi si Lord. Sana nga nagsasalita sya para bigyan man lang nya ako ng tip paano magpatuloy. Iyak na ako ng iyak habang nagdadasal, masyado kasing naguumapaw yung emotions eh.
BINABASA MO ANG
Liempo ( A story of Rival Colleges)
RomanceSi Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estudyante sa ibang university. Dahil sa kwek-kwek at liempo, nagkrus ang mga landas nila na nagbunga ng isang nakakatawa, nakakainis at nakakak...