Chapter 47

1.3K 10 1
  • Dedicated kay Alessandro Guitterez
                                    

NOTE: SORRY. :( antagal kong hindi nakapagudate. Sobrang thank you nga pala sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa Liempo. So here's another chapter, enjoy. :) 

****

                “Mike, san tayo?” tanong ko sa kanya habang nagdridribol ng bola.

                “Tara, sa court nalang tayo!” yaya nya.

                Pagkakita ko sa court, andami ng naglalaro. Parang pinanghinaan ako ng loob pero si Mike, tuloy tuloy lang. Saaming dalawa, sya ang mas matapang, mas athletic at mas gwapo. Ako kasi, more on academics ako. Magaling ako sa math, madalas ako nagtuturo kay Mike lalo na sa Algebra? Nako, kumokpya nalang sakin yun eh, di na nagbabasa ng tanong kapag multiple choice ang exam. Nung elementary, ako ang bully at sya yung binubully ko pero nakaramdam ata yung ungas, nung naghighschool, ako na ang inaasar kasi mas nagging focused na ako sa pagaaral.

                Ang trending samiing dalawa, kapag may girlfriend ako, meron din dapat sya para kapag magdoudouble date kami, yung mga girlfriends namin ang magsasama kapag may trip kami na ayaw nila. Yun ang maganda, yung pagkakaibigan, solid pa din.

                Ako nga pala si Mattias San Juan. Alam ko pinoy na pinoy ang dating ng pangalan ko, pano ba naman kasi, tubong Batangas ang lolo at lola ko kung saan naman napakalalim ng tagalong, eh sila yung isa sa mga nagpangalang sakin kahit na alam kong napakaksi lang ng first name ko. Matalik kaming magkaibigan ni Mike, pakiramdam namin, simula ata ng pinanganak kami, tinadhana na kami para sa isa’t isa pero kadiri lang kasi ano yun? BAKLA!? Anyway, halos lahat ng tungkol sa kanya, alam ko, alam nya din tungkol saakin, ganun naman kapag magkaibigan diba? Iniisip ng iba, ang mga lalaki, puro astig astig lang ang trip pero ang totoo, para din kaming mga babae na may best friend at pinagsasabihan ng problema. May mga pagkakataon talagang malambot din kami, pero hindi kami umiiyak. Tinatatagan namin ang sarili namin, madalas katigasan ng ulo ang pinapairal lalo na tong si Mike. Hayop sa tigas ng ulo.

                Kilala ko ang kaibigan ko, kapag nagmahal sya, totoo. Yun nga lang, di mo maiiwasan na napakadaming lumalandi sa kanya. Simula ng nagkolehiyo kami, kahit magkaklase man kami, nagging magkaiba na ang mga buhay namin pwera lang sa katotohanan na pakiramdam ko sinusundan ako sa school na inaaplayan ko. Sabagay nga naman, niyaya ko lang sya na samahan ako at magtry na din, di naman namin alam na kailangan nap ala ng card kaya yun, napasubo na din sya na magtest at magenrol, kaya ang nagging bunga, nasa iisa pa din kaming instutusyon. Nagapply sya sa varsity samantalang ako organizations ang pinagtuunan ko ng pansin. Siguro naka apat na girlfriends na tong si Mike since 1st year, madalas, tatlo o apat na buwan lang tinatagal dahil nga sa buhay nya bilang isang athelete. Nung nakilala nya si Priscilla, akala ko talagang magseseryoso na sya pero iba pala ang nagging senaryo.

                Nagloko si Priscilla pero sobrang minahal din yun ni Mike. Ang pinalalabas nung babae, athlete kasi si Mike at napakadaming tao sa paligid nya, na wala ng attention ang naibibigay sa girlfriend nya pero ang totoo, nagkaron ng third party. Galit na galit si Mike noon. Halos mapatay nya yung lalaki sa sobrang galit pero pinigilan namin. Lalo syang nagging mas pursigido sa basketball pagkatapos nun. Wala ng sumunod, puro fling fling nalang. Sabay kami halos nagkagirlfriend nun, akala namin pwede pang itulad ng mga panahon na apat kaming magkakasama pero hindi na pala. Tumagal yung sakin, samantalang sya, nakikita ko nasa isang sulok, naghihimutok sa galit, sakit at inis. Lahat iniiisp, sya ang may kasalanan pero kami lang talaga ni Ivy ang nakakaalam ng tunay na istorya. Kupal din kasi tong si gago, ang pinapalabas, nagselos si Priscilla, kaya iniwan sya. Hindi ko lang talaga gets bakit kelangan nya pang protektahan yung image ng babae?

                Dun ko mas lalong nakilala si Mike at dun ko din napatunayan na kapag nagmahal sya, kahit gaano pa sya nasaktan, walang grudge. Pero hindi ko inakala na may mas hihigit pa pala sa pagmamahal nya kay Priscilla. Si Angelie.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon