****
Sa sobrang pagod ko, hindi na kami masyado nagkikita ni Gel. Bihira ko na din sya matawagan. Nung third monthsary namin, nagpadala nalang ako ng bulaklak sa kanila. May training kasi ako nun sya naman, kailangan pumunta sa Paranaque. Pareho kaming busy, halos nawawalan na kami ng time sa isa’t isa. Meron din syang event na inaayos kaya hectic kami pareho.
“Pre, labas naman tayo.” Yaya ni Alvin sakin pagkatapos ng training. Ten na nun, maaga na ding nakauwi si Gel, bukas naman, hapon pa ang practice.
“Sige.” Pumayag ako.
Matagal tagal na din kasi kaming hindi nakakalabas ng mga barkada ko. Pagkatapos ng training, dumiretso kami agad sa bar. May pera pa naman ako dahil may nakukuha kami kapag nananalo kaya sakto lang budget ko. lima kaming mga lalaki, umorder kami ng dalawang bucket ng beer at saka naginuman. Madaming babae, sila Alvin, may nakilala na agad. Hindi ko alam kung sasali ba ako sa trip nila, alam kong magagalit si Gel kapag nalaman nya to.
“Ano ka ba pare?” hinataw ako sa likod ni Joshua. “Hindi naman malalamin ng girlfriend mo eh.”
“Oo nga. Saka wala lang to, past time lang.” dagdag ni Jerome.
Bumalik sa table si Alvin kasama yung babae na nakilala nya.
“Si Aly nga pala.” Pinakilala nya samin, “Aly, si Mike, Joshua, Jerome at Luis.”
“Hey guys. I’ve got some company.” Nakipagshake hands samin isa isa si Aly.
Maganda sya, brown yung buhok, halatang kulay lang pero maganda ang hubog ng katawan. Tumayo sya at may hinatak na isang kasama, sinundan ko ng tingin hanggang sa makabalik sila sa table.
“Guys, Ruth.” Umupo si Ruth sa tabi ni Aly.
“Hello.” Ang timid nyang ngumiti.
Si Joshua, may kasama na din na kakilala nya. Si Jerome, tumayo at pupunta daw sa CR kaya kami na muna ni Luis natira.
“Ruth diba? Luis nga pala.” Lumapit si Luis sa kanya, “Mike.” Tinuro nya ako.
“Hi. Players kayo?” tanong nya.
“Oo, galing nga kaming practice eh.” Si Luis ang nakikipagusap.
Simple lang si Ruth, hindi sya tulad ni Yna na iba kung kumilos. Nakikipagusap lang sya, nakikipagkwentuhan, volleyball player pala sya at third year college palang din sa isang international school. Kinwento nya na yinaya lang sya ni Ruth kaya hindi din sya masyadong kumportable sa lugar. Meron pa rin palang mga babaeng ganito?
“San ka ba nakatira?” tanong ko.
“Sa Q.C.” sagot nya.
Nakaubos na kami ng tatlong bucket sa sobrang kwentuhan. Sila Luis at Jerome, may tama na, ako sakto palang naman. Nagyaya na din umuwi si Luis. Alas tres na din kasi ng medaling araw. Nagpalipas muna ako ng tama habang nagyoyosi yung iba sa labas, isasabay ko na din si Ruth kasi along the way lang naman. Pinagtulungan namin ni Joshua akayin sila Jerome at at Luis. Yung tatlong kumag, sa likod na, sa harap ko na pinasakay si Ruth baka mamanyak pa nung tatlong lasing. Unang bumaba si Luis sunod si Jerome tapos si Joshua saka ko hinatid si Ruth sa malapit sa kanila. Hindi na sya nagpadaan sa bahay nila, sasakay nalang daw sya, naginsist ako kasi medaling araw na, ayaw naman nya. Kinuha ko yung number nya para masigurado lang na nakauwi na sya, wala namang malisya dun at lalaki pa din ako. Kahit naman sino pang babae dyan, si Angelie pa din mahal ko.
BINABASA MO ANG
Liempo ( A story of Rival Colleges)
RomanceSi Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estudyante sa ibang university. Dahil sa kwek-kwek at liempo, nagkrus ang mga landas nila na nagbunga ng isang nakakatawa, nakakainis at nakakak...